35: FIRST SNOW FALL

1.2K 56 21
                                    


Medyo ilag man pero nagawa pa rin nilang maikumpas ang kamay kaya wala akong sinayang na pagkakataon at tumakbo agad ako kung saan ang tinuro ng kaklase ko.

Nakarating ako ng music room at pabagsak na binuksan ang pintuan. Nagulat si Dexter na kasalukuyang may hawak na gitara. "Ely?" lumapit ako sa kanya. "A-anong ginagawa mo rito?"

"May sasabihin ka sa'kin kanina diba?! Tungkol ba iyon kay Phoebe?" dire-derestyo kong tanong.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Dexter. "Ang totoo gusto ko lang talagang mag-sorry." Ibinaba nito ang gitara at umupo sa isang bakanteng upuan. Inaya niya ako pero hindi ako nagsalita at nanatili sa pwesto ko.

"Sorry? Para saan?"

"Noong naabutan mo kami ni Phoebe na nag-uusap. Naramdaman ko lang na need kong mag-sorry sa iyo. Siguro dahil guilty rin ako dahil may alam ako sa mga ginagawa ni Phoebe." Pagpapaliwanag nito. "May nakalimutan ako noon sa classroom natin. Kaya bumalik ako. Pagpasok nakita ko si Phoebe na may hawak na bag at nagmamadaling umalis. Akala ko nga bag niya pero pagtingin ko sa upuan niya naandun pa ang kanya. 'Yung vandal sa locker mo at 'yung mga notes na nasa loob ay galing din sa kanya. Gabi niya iyon ginagawa pagkatapos ng practice naming dalawa."

"Tungkol sa bagay na iyon. Sabi ni Phoebe wala siyang matandaan tama? Paanong nangyaring wala siyang matandaan sa nangyari?" takang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang noong ginagawa niya iyon parang ang blanko ng mga mata niya. Para siyang zombie na ewan." Base sa expression ni Dexter parang nagsasabi naman siya ng totoo.

"Wala ba siyang nasabi sa iyon na kahit na ano?"

Umiling lamang si Dexter kaya naman tumango na lamang ako at yumuko. "Salamat." Iyon lang at tumalikod na ako upang lisanin ang music room.

"Wait lang..." Napahinto ako sa paglalakad. "May naalala ako na may nabanggit siya sa akin. Bago iyon may lumapit sa kanya at kakausapin daw siya pero hindi na nito matandaan kung sino. Basta namalayan na lang niya ang sarili na nakatayo malapit sa lugar kung saan nakakalat ang mga gamit mo."

Napakunot ang aking noo. Sino naman kaya iyon? At kung sa break time niya iyon ginawa bakit parang wala namang tumayong witnessed?

Pero ano pa nga bang aasahan ko sa mga tao rito? Muli akong nagpasalamat kay Dexter at tuluyan nang nilisan ang music room.

"Good afternoon Winter Town." Paglabas ko ng building ay naagaw ang atensyon namin ng announcement na nagmumula sa mga speaker na nakakalat sa boong town. "...nais magpasalamat ng Dunstan Clan sa inyong patuloy na pagtangkilik. Visitors, Friends, Business Partners, and to all residence of this Town. Hindi na namin paaabutin ang Nobyemre upang masaksihan ang first snow fall. Sanay masiyahan kayo sa aming munting regalo." Matapos ng announcement ay agad bumuhos ang niyebe mula sa kalangitan. 

Hindi... 

Mula sa matataas na pader ng Town nagmula ang niyebe. Nakakamangha kung paanong naipapakalat ang niyebe sa boong Town. Aakalain mong nagmumula talaga ito sa langit.

Tumingala ako upang pagmasdan pagbuhos ng niyebe. Finally, dumating na rin ang taglamig. Gusto kong matuwa dahil first time ko lang maranasan ang ganito pero hindi ko magawa dahil sumisiksik sa aking utak ang paligsahan.

Kinuha ko ang aking bike at sinimulang magpidal. Habang palabas; palayo ng school ay nakita ko na naman ang lalaking madalas tumambay sa tapat ng school. Nakita ko dating nilapitan siya ni Rune pero ngayon kausap naman niya si Frigelle. Yung totoo? Sino ba talaga ang girl friend niya? Tumingin na naman siya sa akin kaya agad din naman akong umiwas at tumingin sa unahan. Mahirap na. Baka makabangga ako ng wala sa panahon.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now