30: NEGATIVE THOUGHTS

1.1K 58 10
                                    


Balitang balita ngayon sa school ang nangyari kahapon. Expect ko na wala munang pasok ngayon para imbistigahan ang nangyari pero ayon sa balitang natanggap ni Jane ay nagpakamatay ang kaklase ko.

Nakita sa cctv na mag-isa lamang nagtungo ito sa rooftop ng building at tumalon.

Pagpasok ko ng school ay bumungad sa akin ang mga pares na mata. Bukod doon kada madadaanan ko sila ay nagbubulungan ang mga ito.

Pagdating ko sa locker may vandalism 'yung sa akin.

You killed him.

Ito ang nakasulat. Sinong pinatay ko? Mga baliw ba sila? Binuksan ko ang aking locker at tumambad sa akin ang mga notes na nagsasabing isa raw akong sumpa. Lahat ng pwede kong makaingkwentro ay mamamatay. Gusto kong matawa dahil doon. Hindi ko alam kung saan sila humuhugot para masabi iyon.

Hinayaan kong mahulog ang sandamukal na notes sa aking locker at kinuha lamang ang mga gamit na kailangan ko.

Pagdating ko sa classroom halos lahat ng kaklase ko ay masama ang tingin sa akin habang 'yung isa ay panay ang hikbi.

Naglakad lang ako at umupo sa aking pwesto at gaya ng nakagawian, wala pa ring pakelam si Carlisle sa nangyayari sa paligid.

Tiningnan ko si Dexter na nakatingin lamang sa akin. Hindi na niya ako ginugulo ngayon. Samantalang si Phoebe naman ay patuloy na inaalo ang kaklase naming hindi pa rin humihinto sa kakaiyak. Hindi namin basta-basta makikita ang cctv ng school dahil mga estudyante kami pero nagpatulong ako kay Jane na kung pwede niyang magawan ng paraan ang bagay na iyon at mapatunayan ko kung talaga nga bang si Phoebe ang nagsabit ng bag sa puno at nagkalat ng mga gamit ko sa soccer field.

At 'yung babaeng umiiyak? Siya lang naman ang nagbato sa akin ng bola sa P.E namin ilang buwan na ang nakakaraan.

Tumingin na lamang ako sa labas upang hindi ko makita ang mga mapanghusgang mga mukha ng kapwa ko.

"Ikaw!" napatingin ako sa babaeng kanina lamang ay umiiyak pero ngayon nakatayo na siya sa gilid ko. "Ang lakas pa ng loob mong pumasok samantalang ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang boyfriend ko!"

Ano bang pinagsasabi niya? Bakit nadamay ako?

Hindi ko siya pinansin dahil alam kong emosyonal lang siya at pasalamat siya sa bagay na iyon.

"Huwag mo akong---" akma niyang hahablutin ang kwelyo ko pero hinawakan ko ang kamay niya. Nagpupumiglas siya pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Kita ko ang pamimilipit niya sa sakit.

"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo. Kapag hindi ka pa lumayo baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko." Tinulak ko siya ng bahagya sapat upang makalayo siya sa akin. Muntikan pa niyang masagi ang batugan sa likuran niya. Sayang, sana pala nilakasan ko na lang.

Lahat ay natahimik sa sinabi ko. Ang ilan sa kanila ay may takot nang nakarehistro sa mukha. Tumunog ang bell at pumasok na si Sir Ilagan.

Tumahimik ang boong klase. "Good morning class kahit na hindi natin inaasahan ang nangyari. Alam kong malungkot kayo dahil nawalan kayo ng isang kaklase at gusto ko lamang ipaalam sa inyo na ang pagpapakamatay ay hindi option upang takasan ang problema. Kung may problema kayong dinadala mangyari lamang na ipabatid niyo agad sa mga taong mahal niyo sa buhay o kung hindi man sa aming mga teacher. Hindi man namin masolusyunan ang inyong dinadala pero kahit paano may taong makikinig sa pinagdaraanan niyo." Tumingin sa akin si Mr. Ilagan, "Ngapala Miss Yu pumunta ka sa guidance office at gusto kang makausap ni Mrs. Tagle."

Lahat sila ay sa akin nakatingin. Hindi na ako nagpaliguy pa at agad na akong nagtungo ng pintuan na sakto namang biglang pagsulpot ni Troy. 

Nagkabungguan kaming dalawa at nahulog ang libro, notebook, at ballpen na bitbit lamang niya samantalang may bag naman siya. Kinuha ko ang libro na ang title ay Death note. Kukunin ko rin sana ang notebook na kulay itim pero agad niya 'yung kinuha.  "Naku Elyon pasensya ka na." Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi na halos mawalan na siya ng mata.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now