50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)

869 49 16
                                    

Sinilip ko ang aking relo at talaga ngang huminto ang oras. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na naandito pero sobrang nababagot na ako.

Napatingin ako sa Dragon na mahimbing pa rin ang tulog.

Kinuha ko ang malaking isda at lumapit sa kanya. "Woi, gising!" Dumilat lamang ito ng bahagya pero muling itong pumikit at humarap sa ibang direksyon. "Kumain ka na." Hinagis ko sa kanya ang isdang hawak ko pero hindi ito kumilos.

At least hindi na siya nag-aamok ngayon.

Muli akong naupo at sumandal sa poste. "Gaano ka na katagal rito? Alam mo bang bagot na bagot na ako kasi bukod sa madilim, walang kahit na anong makikita rito bukod sa mga lantern." Nabaliw na ata ako. Pati ang Dragon na natutulog ay pinagdiskitahan ko na rin. "Ano bang ginawa mo at ikinulong ka rito? Salbahe ka siguro ano?" Umungol lamang ito ng bahagya pero hindi pa rin ito nagpatinag sa kanyang pamamahinga.

Muli akong tumayo at dahandahang lumapit sa kanya. Malapit mismo sa kanyang mukha.

Inangat ko ang aking kanang kamay ng dahandahan at inilapit sa kanya. Nagulat ako ng bigla itong humarap sa akin.

Hree!

Hiyaw nito kaya napapikit na lang ako dahil sa lakas ng hangin na nagmula sa kanyang bibig. Ang baho ng hininga niya! amoy nabubulok na isda. Matapos niyang gawin iyon ay agad niya akong tinalikuran.

Sungit...

Bigla ko namang napansin ang katawan niyang natuyuan na ng dugo. Sinubukan kong hawakan ang kanyang katawan subalit pumapalag pa ito. Muli akong naglakad hanggang sa makita ko ang kanyang mga mata. Itinaas ko ang hawak kong plastic na naglalaman ng ointment. "Kailangan mo ito para sa sugat mo. Kung hindi kita lalagyan nito matagal bago ka gagaling. Kaya huwag ka ng magpabebe." Muli itong umungol at akmang susunggaban ako ng isa niyang paa kaya agad akong tumakbo palayo. "Hindi kita sasaktan!" Tumayo ito pero agad din naman siyang nawalan ng balanse at natumba.

Hindi na niya pinilit pang tumayo kaya dahandahan akong lumapit sa kanya subalit tinitigan niya ako ng matalim. "Okay! Hindi na... Lalayo na ako."

Muli akong umupo at sumandal sa poste, hindi ko tiyak kung gaano katagal na akong nasa ganitong kalagayan pero inantay ko na makatulog talaga ng lubusan ang Dragon.

Muli akong lumapit sa kanya at inilapag ang bitbit kong malaking isda sa harapan niya.

Mukhang mahimbing ang pagkakatulog nito dahil hindi man lang natinag sa kabila ng matapang na amoy ng isda. Ito na ang pagkakataon upang gamutin ang kanyang sugat.

Dahandahan akong umakyat sa kanyang katawan pero hindi naging madali dahil panaka-naka itong gumagalaw na animoy nakakaramdam kaya humihinto ako saglit.

Pagdating ko sa dulo nakakuha ako ng isang lumulutang na lantern at inilapit ko sa kanyang katawan. Napahawak ako sa aking bibig dahil sa bukangbuka ang sugat na nagawa ko sa kanya. Halos ilang dangkal din ang laki nito, hindi ko nga lang sigurado kung gaano ito kalalim.

Dapat dito ay tinatahi na, dahil baka matatagalan pa ito bago gumaling.

Ako ang puminsala sa Dragon na ito pero ako rin pala ang gagamot sa kanya.

Hinawakan ko ang kanyang balat. "S-sorry. Hindi ko intensyon ang saktan ka." Hindi naman ako nageexpect na sasagot ang Dragon na ito kaya nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Pinahiran ko ng dahandahan ang kanyang sugat kahit na medyo hindi ako sanay sa magaspang nitong balat. Medyo gumalaw ito ng kaunti kaya huminto ako at pinakiramdam ko siya pero matapos nang ilang minuto ay mahimbing na naman ang tulog nito.

---------------------------------------------------------

Master Hagiza

Dumaan sa harapan namin ang isang waiter na may dalang kakaibang kurba na baso ng alak.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now