EPILOGUE

392 19 11
                                    

Masaya ang lahat sa loob ng isang restaurant habang kumakain ng noche buena at nagbibigayan ng regalo.

Nasa kabilang side ako ng kalsada at maraming tao ang nasa paligid ko.

Panaka-naka ring natatakpan ng mga taong naglalakad sa harap ko ang restaurant, dahilan kung bakit nayayamot ako. Gano'n pa man hindi ko puwedeng gamitin ang kakayahan ko dahil malakas ang pakiramdam ng dalawang 'yon. Isa pa, hindi ko pa nagagamay ang katawang 'to.

Nang muling mawala ang ilang mga tao sa harap ay muli kong pinagmasdan ang dalawang particular na tao.

Ang dalawang batang nakakuha ng medalyon. "Sige lang, mag-enjoy kayo ngayon."

Napatingin ako sa kanang kamay ko. At hindi ko maiwasang mapangiti dahil muli na naman akong naging bata sa tulong ng katawan ng sarili kong anak at sa tulong ni Assmedai. "Hindi na ako makapaghintay na makaharap kayong dalawa." Sabik na akong matapos ang walang kwentang holiday na 'to.

"Troy?"
"Si Troy ba 'yan pare?"

May tumawag sa pangalan ng anak ko pero hindi ko sila pinapansin. Tumalikod na ako at naglakad na sana palayo.

"Wait lang Troy..." may humawak sa braso ko kaya napahinto ako. Tiningnan ko naman ng masama ang lalaking humawak sa braso ko, kung hindi ako nagkakamali, kaidadan niya lang ang anak ko. At tila walang epekto sa kanya ang titig ko. "Ikaw nga, guys si Troy nga!" Lahat naman ng mga kasama niya ay lumapit sa amin. 

"Anong nangyari sa'yo? Nabalitaan namin na magta-transfer ka na raw ng school," sabi ng isa.

"Sino kayo?" walang gana kong pagtatanong sa kanila.

Nagkatingan sila sa isa't isa at parang nagtaka sila sa tanong ko. 

"Nagka-amnesia ka ba? O nagjo-joke ka lang classmate?" sabi ng isa pa.

"Ahahaha, ano ka ba Troy, kilala ka na namin, nangpa-prank ka na naman eh. Ang tagal mo ring hindi nagpakita, tara sumama ka na lang sa amin," yaya ulit ng lalaking pumigil sa akin kanina.

Kung gano'n mga kaklase pala sila ng anak ko. Napangisi ako bigla. "Pala kaibigan din pala ang anak ko." 

"Huh? Ano bang sinasabi niya?" bulong ng isa sa katabi niya.

Hindi ko na sila inintindi. Tumalikod na ako at naglakad na palayo sa lugar.

"Woi, wait lang Troy!"

"Anong nangyari du'n?"

"Parang hindi tuloy siya si Troy kung kumilos."

"Hayaan niyo na nga, next time na lang natin siya kausapin."

Pumasok ako sa isang restaurant at sinalubong ako ng waiter. "I have an appointment to Mr. Dunstan," sabi ko.

"You're Mr. Vergara, Sir?" pag-confirm niya.

"Yes," tipid kong sabi.

"This way please..." Iginiya niya ako papunta sa isang V.I.P room. At nang buksan nito ang pinto ay tumambad sa akin ang printing nakaupong si Mr. Zeus Dunstan.

Nang makapasok ako ay agad akong umupo sa bakanteng upuan. 

"Anong pakiramdam na maging bata ulit?" Ngumisi ako sa kanya at kinuha ang glass wine na nasa table ko. "Hindi ka man lang nakaramdam ng kahit kaunting guilt sa paggamit sa katawan ng anak mo?"

"Patay na ang anak ko, at sayang naman ang body na 'to kung mabubulok lang." Tumingin ako sa kanya. "Ngayon, simulan na natin ang meeting..."








+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++



"Give me a minutes, Mr. Dunstan," sabi ng isang lalaking naka-hospital gown na si Professor Wisley Ngo. Pinatawag ni Dad si Professor Ngo na dating mentor ni Dicko. Nagbabakasakali kaming matutulungan niya kami sa kapatid ko. 

"Take your time, Professor."

Nasa loob ako ng capsule na pang-isahan. At nasa kabilang capsule naman ang kakambal kong si Dicko.

"I will double check your vitals to make sure na you have enough energy na maipapasa sa katawan ng student ko." Tumingin siya sa isang monitor kung saan makikita ang vital bodies namin ng kambal ko, sinunod naman niyang i-checks ang mga buttons na nasa harap niya. Muling binuo ni Prof. Ngo ang katawan ni Dicko kasama na ang puso niya. "Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya sa sarili niya. Masyadong advance ang pagkaka-invent ng body niya dahil may muscles and heart pa rin siya na kinakailangan ng blood pero ginawa niyang blood vessels ang energy cords niya. Wala na siyang ibang organs kaya hindi na niya kailangan pang kumain ng pagkain natin." Tumingin siya sa akin. "Kelan niyo siya huling nakitang kumain ng usual food?"

"Hindi ko matandaan. Ang alam ko lang halos hindi na siya lumalabas kapag pumapasok siya sa laboratory niya." 

Napailing siya. "A silly kid..." Napapabuntong-hininga na lang siya. 

Bago pa niya mai-transfer ang energy ko kay Dicko ay biglang pumasok si Nicole, at may bitbit itong isang bag ng dugo. "I'm back, Kuya Dick. As you said, pumayag ngang mag-donate si Uncle Luis ng dugo for Kuya Dicko." Tumango ako sa kanya kahit pa nasa loob ako ng capsule. Bukod sa paglipat ng energy kinakailangan din kasi ng maraming dugo ang katawan ni Dicko. Hindi kami makapag-produce ng enough blood dahil sa mga natamo namin sa laban. Si Dad and Uncle Luis lang ang puwede naming mapagkunan. "Ito na po ang blood bag, Prefessor." Matapos niyang ibigay ang blood bag, lumapit siya sa capsule ni Dicko at inilapat nito ang kamay niya. "Is he going alright?"

"We're not sure, Miss Dunstan. Hindi ko alam kung pa'no niya nagawa 'yung energy cords niya, but for now, I hope gumana ang artificial blood vessels na ginawa ko and of course sa tulong din ng energy ni Mr. Dunstan," sabi ni Prof. Ngo.

Nakatingin lang ako kay Dicko at kay Nicole.

"Kuya Dicko, please come back. I miss you so much na po."

"Where's dad?" I ask her.

"Don't know. Alam mo naman siya, mas importante sa kanya ang business kesa sa mga anak niya." Napabuntong-hininga siya bigla. "Sometimes I envy Elyon..." Tumingin siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa mata ng nag-iisa naming kapatid na babae. "Hindi siya kadugo ni Uncle Luis, pero parang anak ang turing niya rito."

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kay Nicole, tama naman kasi siya. 

"What about Kuya Chad?" pagkasabi ko nito ay muling bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Chad na may bandage ang mga mata at may tungkod na pangkapa niya sa paligid niya.

"I'm here," he said. "Am I late?"

"No kuya, sakto lang ang dating mo." sabi ni Nicole.

Ang sabi ng sumuri kay Kuya Chad ay magiging okay rin ang mga mata niya pagkatapos ng ilang buwan, iyon nga lang hindi nila sigurado kung magagawa pa niyang magamit ang ability niya.

"Lumayo ka na Nicole, mag-uumpisa na kaming magsalin ng energy," sabi ko sa kanya. At ganoon nga ang ginawa niya. Patakbo siyang lumapit kay Kuya Chad at hinawakan nito ang braso ni Kuya. Ngumiti naman si Kuya kay Nicole.

"Sisimulan ko na..." sabi ni Prof. Ngo. 

Tumango lang ako sa kanya. "I'm ready..."












END OF BOOK 1

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now