67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)

373 25 4
                                    

Makikitang malikot ang mga mata ni Nicole, pinapakiramdaman niya ang sarili kung saan lilitaw si Carlisle.

Segundo lang ay bigla itong nagpakita sa itaas niya at iwinasiwas nito ang espada, umiwas si Nicole pakanan, pero agad ring nakabawi si Carlisle at muli siya nitong inatake.

Matindi ang konsentrasyon ng dalawang magkatunggali upang maiwasan ang injury sa isat-isa.

Nang makalapag si Nicole sa sahig, pinakawalan niya ang arrow pero mabilis na naiwasan iyon ni Carlisle at nagulat na lang siya dahil nasa harapan na naman siya nito kaya tumalon ito para umiwas, subalit magkasing bilis lang silang dalawa kaya nang muli siyang makalapag ay sakto rin ang atake ni Carlisle sa kanya. Sinangga naman ng bow ni Nicole ang atakeng iyon.

Nasa ganoon silang kalagayan nang ilahad ni Nicole ang kaliwa niyang kamay na may ilang hibla ng buhok na biglang tumigas at naging matulis na bagay. Agad niyang inatake si Carlisle sa likod nito habang busy itong makipagtagisan ng lakas gamit ang kanilang mga sandata.

"Ah!" nagulat si Nicole dahil bukod pala sa espada nito'y may isa pang espada na bigla na lang sumulpot sa kaliwang kamay ni Carlisle kaya, nahiwa nito ang braso niya. Agad lumayo si Nicole sa kanya at napaluhod din ito. Nabitawan niya ang bow at hinawakan ang brasong may malaking hiwa. Hindi maikakaila ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pagbabago ng expression nito, tila naghahabol din siya ng hangin, patunay na mabigat ang laban nilang dalawa.

"Sumuko ka na bago pa mahuli ang lahat." Mahinahong sabi ni Carlisle.

"At kailan ka pa naging joker? Hindi bagay sa'yo ang magpatawa. Hindi rin bagay ang cold hearted na kagaya mo ang mag-alala, lalo na sa kalaban." Napakaraming dugo man sa mga kamay ni Nicole ay muli niyang kinuha ang bow at dahang-dahang tumayo. "Sumuko? If I remember there's no 'give up' na word sa dictionary ko." Muli niyang hinanda ang sandata niya para sa pag-atake. "In this ironic life, ang salitang pagsuko ay para lang sa mahihina. I did my best ever since, kahit na alam kong mas malakas ang mga kapatid ko kaysa sa akin, pinilit kong pantayan sila but they always treat me like a princess at sila ang knight's ko. I hate it... Kahit ayaw nila ay pinilit kong subukan na makuha ang loob ng four elements. I was really excited and hoping na sa aming lahat ako---ako ang mapipili nila." Tiningnan ako ni Nicole. "...pero nabigo ako. Gusto mong malaman kung paano pumipili ang apat na elemento ng vessel?" tanong niya sa akin.

Bakit ako na naman puntirya niya? Nakalimutan ba niya na hindi ako ang kalaban niya?

"Forget it... I'm sure hindi mo 'yun magagawa. Ang four elements ay para lamang sa malalakas na nilalang. Hindi kakayanin ng katawan mo ang tulad nila. Patunay lang na mahina ka dahil bukod sa new soul ka pa lang. Walang kahit na anong background ang magpapatunay na special ang ancestors mo. Mamamatay ka lang kung ipipilit mo ang sarili mo. Nakatitiyak ako sa bagay na 'yun."

Napayuko na lang ako. Bakit ba palagi na lang nilang sinasabi na mahina ako? Na hindi ko deserve ang maging sisidlan?

"Hindi ka kabilang sa apat na elemento at mas lalong hindi ikaw ang lumikha para sabihing karapat-dapat ang isang nilalang."

Nagulat ako at agad napatingin kay Carlisle.

"Carl..." mahinang sabi ni Akihiro.

"Tama ba ang naririnig ko? Sa pananalita mo'y tila pinagtatanggol mo ang mahinang ito. Bakit? May gusto ka ba sa kanya?" napangisi si Nicole.

"Ayoko talaga sa mga taong madaldal. At sa lahat ng madaldal, ikaw ang pinakamasakit sa tainga pakinggan. Walang basehan ang pinagsasabi mo, bukod sa may lahi ka nang mangkukulam ay naging manghuhula ka na rin." Inangat ni Carlisle ang espada niya. "Tapusin na natin 'to para makapagpahinga na ang tainga ko."

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now