65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)

639 28 6
                                    

"Humanda ka?!" sigaw ni Nicole. Kasunod nu'n ang pagbunyag ng kanyang abilidad. Naglabas siya ng gunting at pinutol ang humaba niyang buhok. Ilang segundo lang ay kusang gumalaw ang bawat hibla ng buhok ni Nicole. Kusang nagkadikit-dikit ang mga ito, tumigas at naging isang patalim. Ilang patalim din ang nagawa gamit ang mga buhok ni Nicole.

Hindi ko alam kung anong abilidad meron siya subalit nakakamangha iyon. Ngumisi siya na parang proud na proud siya sa mga nangyayari. "My mom was a witch, and before she died pinamana niya sa akin ang abilidad niya. Ginagamit niya ang buhok niya para gumawa ng lason." Tumingin sa akin si Nicole. "Do you remember the Juliet potion?"

Hindi ako umimik kahit tandang-tanda ko pa kung paano pinalabas ni Master Luis and Lady Margareth ang kamatayan ko. Kung hindi ako nagkakamali ako pa lang ang unang taong naka-inom ng potion na 'yun.

"One of the ingredients that my brother used was the hair of my mom. Since it was urgent that time they never tried it to animals, so that means..."

"Alam ko... Huwag ka nang mag-explain. Nasabi na rin sa akin ni Master Luis na ako ang kauna-unahang gumamit nu'n. It was successful by the way kaya nakatayo pa rin ako sa harap mo." Bakit pa niya kailangan ipaliwanag ang bagay na matagal ko nang alam? Hay naku.

Pumikit na lamang siya saka muling dumilat. "Nakakalungkot lang..." pagpapatuloy niya. "Hindi ko totally namana ang abilidad ni mom. Instead, iba ang kinalabasan ng buhok ko. Noong una I hate it. Dahil binibigyan ako nito ng matinding head ache lalo pa kung papaano ko gagawing kapaki-pakinabang ang buhok ko, but now? Syempre iba na ang sitwasyon. Lalo pa ngayon na naka-abot ako rito."

Noong una pa lang alam ko nang may kakaiba sa buhok niya. Para kasing may sarili itong buhay sa tuwing naglalakad siya.

Itinaas ni Nicole ang kamay niya at biglang nagsikilos ang mga buhok na patalim at inatake nito si Carlisle pero parang hindi man lang siya nabahala sa kung anong mangyayari sa kanya sakaling tamaan nang mga 'yun.

Marami ang nagawang patalim ni Nicole at lahat ng iyon ay bumagsak din sa direksyon ni Carlisle. Dahil sa sunod-sunod na atake ng patalim ang iba ay dumiretsyo na lamang sa sahig kaya nagkaroon ng ingay na tila may winawasak na matitigas na bagay, at dahil doon ay nagkaroon ng nakakabulag na usok na nagmula sa mga nawasak na simento kaya natakpan nito ang imahe ni Carlisle.

Ilang segundo lang ang lumipas at unti-unti na ring nawawala ang mga usok, hanggang sa bumungad sa amin ang mga mas maliliit pang pirasong buhok na animo'y pinagtatapyas, may hawak rin na kumpol ng buhok si Carlisle na wala nang buhay. Samantala pirmi lang sa kanan niyang kamay ang espada nitong tila nagkaroon ng kinang.

"Teka, kanina lang parang simpleng wooden sword lang 'yun 'di ba? Paanong nagkaroon ng talim iyon?" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Gusto kong malaman kung ano nga bang abilidad mayroon si Carlisle.

"Ang totoo wala akong maikukuwento dahil hindi ko rin alam kahit pa palagi kaming magkasama." Sabi ni Akihiro.

Napangisi si Nicole. "I knew your not an easy target but I was surprised on how pathetic your friends was. They don't know you at all kahit palagi pa kayong magkasama." Muling humaba ang buhok nito at ginupit iyon, muling bumuo nang panibagong patalim ang bruha. This time palakol naman ang nabuo niya at agad sumugod kay Carlisle.

Si Carlisle naman ay kalmado lang ang pag-iwas sa bawat atake ni Nicole. Sinusubukan din niyang hiwain ang mga ito.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko kay Nicole kahit nakakainis na siya. May alam ba siya kay Carlisle?

"Take a wild guess, idiot."

Biglang naglabasan ang ugat sa noo ko dahil sa sinabi ni Nicole. Tinawag ba naman niya akong idiot eh. "Nagtatanong ako ng matino. Kaya ine-expect ko matinong sagot din mare-received ko sa feeling magandang kagaya mo." Naubusan na ako ng pasensya sa bruhang 'to.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن