49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)

907 47 1
                                    

Isa-isa nang inilapag ng mga tao ang kanilang nakuha mula sa gubat sa harapan ni Mr. Bill. Nakita kong biglang sumulpot si Carlisle at bitbit nito ang devil's finger na mukhang katutubo palang pero ang mas ikinagulat ko ay 'yung kasama niya. Si-si Akihiro?

Biglang sumagi sa isip ko 'yung sinabi ni Alex na hindi araw-araw ang pagtugtog nila dahil may iba pang pinagkaka-abalahan si Carlisle at Akihiro tuwing gabi. H-hindi kaya parehas silang nagsasanay? Muli akong napatingin kay Mr. Bill.

Nagsasanay sila sa ilalim ni Mr. Bill.

Inilapag nila sa harapan nito ang dala nilang clathrus at umalis na rin agad sa harapan ni Mr. Bill. Nagulat ako nang tumingin si Akihiro sa akin.

May hinala na ako noon sa mga kasama ni Carlisle sa bahay pero lahat sila ang napagbintangan ko. Ngayon lang sumagi sa isip ko na sa kanilang lahat si Akihiro lang ang may kakaiba sa kanilang apat.

Naalala ko rin 'yung apple na aksidente kong nahulog pero nasalo iyon ng kanyang paa.

Halos lahat ay nakapaglapag na maliban sa akin kaya lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin.

Tiningnan ko 'yung babaeng umagaw ng bitbit ko at iba ang paraan nang pagngiti niya sa akin. Para siyang nang-aasar na ewan.

"Wala na ba? Kung ganoon ang lahat ng naka---"

"Sandali..." Napatingin sa akin si Mr. Bill. Sumilay sa kanyang mukha ang ngiting madalas niyang ipakita sa akin. Lumapit ako sa kanyang harapan pero tinitigan ko muna siya sa kanyang mga mata. "May dala ka ba iha?"

Tumango na lang ako. Ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng long sleeve ko at inilabas iyon. Inilapag ko sa harapan ni Mr. Bill ang itlog pa lamang na Clathrus. Nagkaroon ng ingay sa paligid habang muling sumilay ang ngiti sa labi ni Mr. Bill. "Magaling Iha. Binabati kita." Sabi nito kaya naglakad na ako paatras at nang muli kong tingnan ang babaeng umagaw ng bitbit ko wala na ang nakaka-insultong ngiti nito.

Mabuti na lamang at nakita ko 'yung egg sa tabi ng matured na Clathrus at agad kong isinilid sa bulsa ng damit ko.

Kung titingnan mo ang bitbit nila ako lang ang bukod tanging egg na nadala. Wala namang binanggit na matured lang ang puwedeng dalhin.

"Mukhang wala nang magbababa. Congratulations sa inyong mga nakapagdala at ngayon tayo na ay susunod sa totoong paligsahan. Gagabayan kayo ni Mr. Bill sa unang pagsubok na kailangan niyong harapin." Sabi ni Ms. Harmony.

Naglakad si Mr. Bill sa kanang bahagi nang kastilyo kung kaya't sumunod kami sa kanya. Ilang minuto lang ay nakarating kami sa likod nito at nakaabang sa amin ang iba't-ibang pintuan. "Bago ang lahat nais ko lamang kayong balaan. Kapag pumasok kayo sa alinmang pintuang ito, mapupunta kayo sa ibang dimensyon na kung saan hindi tumatakbo ang oras. Kailangan ninyong mapagtagumpayan ang inyong pagsubok upang maipagpatuloy ang paligsahang ito. Subalit kung hindi kayo magtagumpay walang pintuang magbubukas upang kayo ay makabalik sa kastilyo. Makukulong kayo habambuhay sa dimension na iyon at doon na mamamatay."

Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Mr. Bill. 'Yung kaduwagaan ko ay unti-unti na namang kumakain sa aking sistema. Kapag hindi ako nagtagumpay ito na ang katapusan ko.

"May pagkakataon pa kayong umatras." Sabi ni Mr. Bill. Agad na nagkaroon ng ingay sa paligid.

"Nagpapatawa ka ba? Ang layo na ng narating ko para lang dito tapos aatras lang ako?" Sabi nang isang binatilyong lalaki na may hawak na karit na katulad kay kamatayan. Kung titingnan, mukha lang siyang ordinaryong tao kapag binitawan ang kanyang karit. Simple lang kasi ang suot nito, isang simpleng blue na jacket na may lining na puti sa braso, pants na itim, at rubber shoes. Nasa maayos rin ang kanyang kulay abong buhok na katulad sa mga nice guy na tipikal mo nang makikita sa school. Taliwas sa kanyang physical na katangian ang lumalabas sa kanyang bibig.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now