21: WATER FALLS

1.4K 74 20
                                    


Halos wala na akong tinira sa manok, kung pwede lang kainin pati buto ginawa ko na.

"Anong natutunan mo?"

"Parang wala..." Wala sa sarili kong naitugon. "Aray! yah! --- wiling wili ka pong batukan ako." Akma na naman sana niya akong babatukan pero dinipensahan ko ang aking ulo. "Masakit tama na po."

Kumuha siya ng sanga na malapit lamang sa kanya at inihagis sa apoy. "Maghapon mong gagawin iyon bukas, hindi ka kakain hanggang hindi mo nalalaman ang sagot."

Ang sama niya. "Okay po, sabi mo eh." Tumayo na ako at sinimulang ayusin ang aking higaan.

Dito kami magpapalipas ng matanda kaya gusto ko nang matulog ng maaga para maaga rin ako gigising bukas.

Maliban sa huni ng mga insekto at pagaspas ng tubig ay wala ka nang ibang maririnig na ingay. "Master." Tawag ko sa kanya. Hindi ko siya nilingon dahil ayokong makita ang mukha niya. "Bakit mo po naisipang sa gubat tumira?" Pagka-ayos ko ng aking higaan ay agad na rin akong humiga.

"Para walang istorbo." Tipid niyang sagot.

Malamig ang gabi kaya agad kong binalot ng kumot ang aking katawan dahil hindi sapat ang apoy na ginawa ni Master Hagiza para mapunan ang init na kailangan ko sa oras na ito. Pakiramdam ko kasi basa pa ang damit ko pero inaantok na talaga ako at napapagod na ang katawang lupa ko.

Bago ko tuluyang ipikit ang aking mata ay pinagmasdan ko muna ang langit na napapalamutian ng makikinang na bitwin.



------------------------------------------------------

Nagising ako sa awit ng mga ibon na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Matapos humikab ay agad hinanap ng aking mata si Master Hagiza subalit wala na siya roon. "Hala, iniwan na ata ako nang matanda." Agad akong bumangon at hinanap ang matanda sa paligid ng talon hanggang sa makarating ako sa loob ng gubat. "Master!" tawag ko sa kawalan. Langhiya hindi ko pa naman alam pabalik. "Master Hagiza!" muli kong sigaw, narinig ko pa ang pag-echo ng boses ko.

"Ang ingay mo." Isang mahina at tila tinatamad na boses ang narinig ko sa aking likuran, nang lingunin ko ay may bitbit na itong mga prutas, patay na daga at sanga.

Agad naman akong lumapit kaya inabot niya ang dalawang patay na daga na itinali lamang ang mga paa. Napangiwi ako dahil sa itsura ng mga ito. "Huwag niyo pong sabihin na ito ang kakainin natin mamaya?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Hindi po ako kumakain nito." Pag-amin ko sa kanya pero hindi niya ako inintindi at diretsyo lamang siya sa paglalakad kaya patakbo akong lumapit sa kanya. "Basta hindi po ako kakain nito."

Naglakad lamang siya kaya sinundan ko rin agad ito hanggang sa makabalik kami kung nasaan ang aming mga gamit. "Ano pang inaantay mo?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya "Engot kang bata ka! Pakainin mo na ang alaga mo o sa'yo ko ipapakain 'yan?"

Naliwanagan naman ang aking isipan. "Kelan mo pa po nalaman ang salitang engot?"

Talino niya eh.

Kumuha siya ng ilang sanga at binato sa akin ngunit inilagan ko iyon lahat. Tatayo na sana siya pero tumakbo na ako kaya naman hindi na niya ako hinabol. "Lupet talaga ng matandang iyon." kinuha ko ang whistle na nakasabit sa aking leeg at inihipan iyon, kaya naman nakita ko na agad si Sky na pa-landing sa aking braso pero bigla kong naalala na hindi ko nga pala nadala 'yung telang makapal kaya medyo bumaon ng konte ang kuko ni Sky sa braso ko kahit pa naka-long sleeve na ako. "Kamusta? Saan ka naman kaya nakakarating?" minsan napapa-isip ako kung anong pakiramdam maging isang ibon? Lalo na kung nasa itaas sila at nakikita nila ang boong tanawin.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon