25: EMOTION BEHIND THE MASK

1.4K 66 31
                                    


Binagsak na naman niya ako sa upuan. "Aray naman!" reklamo ko sa kanya, "Makabagsak naman parang hindi tao 'yung binuhat mo eh."

Tiningnan ko ang aking paligid. Nakapwesto na rin pala si Eman, Jane at Grace. Mukhang natututunan na rin ni Master Luis na pakibagayan ang mga tumutulong sa kanila ng patas. "Kumain na tayo," sabi ni Master Luis.

"Magdasal muna bago kumain." Napatigil siya sa pagsubo ng pagkain dahil nag-umpisa nang manalangin si Grace.

Matapos ang hapunan ay agad na sana akong aakyat para makapagpahinga. "At saan ka naman pupunta?" tanong ni Master Luis.

"Marami akong ginawa ngayong araw kaya gusto ko ng magpahinga." Hahakbang palang ako pero hinawakan niya ang blazer ko sa bandang kwelyo at hinila iyon. "Te--teka hi--hindi ako ma--kahinga ano ba?!"

"Sumama ka muna sa'kin."

Wala na akong nagawa kun'di ang magpatianod na lamang. Mukha lang siyang normal na tao pero hindi. Halimaw siya...

Malamig, madilim at tanging huni ng mga insekto lamang ang maririnig mo sa paligid pero wala kaming takot na maglakad.

Inilagay ko sa magkabilang bulsa ng blazer ang aking kamay dahil hindi pa ako masyadong sanay sa malamig na panahon. "Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Gusto ko lang malaman kung anong pinaggagagawa mo sa loob ng ilang buwan pamamalagi mo rito."

Tsk, parang hindi naman niya alam. "Hindi ako nagbubulakbol."

"Gusto mong makotongan? Hindi ako kasing brutal ni Master Hagiza pero pwede ka pa ring magkabukol sa akin."

"Tsk, Kung makapagtanong ka kasi parang hindi ko alam na may mata ka rito. Alam kong updated ka sa mga nangyayari sa akin ---- Aray... Ano ba?" kinotongan na naman niya ako.

"Gusto kong marinig mula sa'yo ang mga pinaggagawa mo. Gusto kong kamustahin ka."

Anyare sa kanya? At kelan pa siya naging interesado? "Magugunaw na ba ang mundo?"

"Gusto mong gunawin ko pagkatao mo?" 

Wow, bait niya.

"Ano bang gusto mong malaman?" tumingala ako sa langit na napapalamutian ng makikinang na bitwin. Ang ganda talaga ng langit kapag malayo sa Manila. Mas makinang at mas malaya mong nakikita ang kagandahan nito na walang nakaharang na building o wire ng kuryente. "Sa school ba? Hindi ako sanay sa mga mapangmatang mga estudyante. Siyempre hindi mawawala na na-bully ako noong mga unang buwan ko sa school dahil sa maskarang binigay mo sa akin, At 'yung exams ko? Pasensya ka na hanggang doon lang ang kaya ko. Hindi ako matalino kaya hindi ko ma-mi-meet ang expectation mo sa akin." Hindi ako lumilingon sa kanya at patuloy lang ako sa paglalakad. Ganoon din naman siya. "Kung tatanungin mo ako sa training ko? Ayun pinapahirapan lang naman ako ni Master Hagiza. Akalain mong ginawa pa niya akong alipin noong mga unang salta ko d'un?!" tumawa ako na parang tanga. "At higit sa lahat? Alam mo ba? ---- " Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya 'to pero kasi nahihirapan na rin ako. Wala akong ibang makausap at siya lang ang bukod tanging taong nangamusta sa akin. Kahit halimaw pa siya... "Nami-miss ko na ang totoo kong Pamilya..." Unti-unti nang dumaloy ang luha sa mga mata ko. Luha na ilang buwan ko na namang tinago. Parang ang lalayo ng sagot ko sa tanong niya, imbes na sabihin ko 'yung mga bagay na nagawa ko sa loob ng ilang buwan, iba ang lumabas sa bibig ko. "Ang lamig na ng panahon at tumatagos ito hanggang sa aking kalamnam maging sa aking puso..." Gusto kong magmura sa kadramahan ko ngayon pero kasi... Hindi ko alam... Hindi ko namalayan na huminto na pala ako sa paglalakad at napaupo na lamang na parang batang umiiyak dahil inaway ako ng kalaro ko. Ito... Ito ang totoong nararamdaman ng isang taong nagtatago sa isang maskara. Sa likod ng maskarang iyon ay ang boong pagkatao ko. Ang totoong ako...

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now