6: SNOWY OWL: The Messenger

2.1K 82 15
                                    


Sino bang nagsabing mahirap gumawa ng mga gawain kapag nakapiring? Puwes tama kayo.

Dahil diyan tumaas ang respeto ko sa mga taong may kapansanan dahil hindi hadlang sa kanila ang kalagayan para maipagpatuloy ang buhay.

Makailang beses akong natisod habang nag-iigib, nauuntog pa ako kapag ipinapasok ko na sa bahay ang tubig, hindi ko rin tiyak kung nalalampaso ko ba ng maayos ang sahig, pati na rin ang pagsibak ng kahoy, at ang malala ay ang pagluluto.

Speaking of pagluluto, nagpaturo na ako kay Grace kaya kahit pano tantiyado ko na ang pagsasaing. At araw-araw naman niya akong tinuturuang magluto ng ulam.

Instinct ang kailangan kapag hindi nagagamit ng maayos ang ibang parte ng katawan. Mas lalong mahirap kung hindi gumagalaw ang bagay kaya kailangan tandaan ang ditalye kung saan ito nakalagay o kung anong itsura nito.

"May bukol na naman po kayo." Binigyan ako ni Grace ng yelo para sa bukol ko. Minsan kailangan ko ring ipagpasalamat ang maskara ko dahil naitatago nito ang bukol ko sa noo.

Pagkatapos kong kumain ng hapunan ay agad na akong umakyat sa kuwarto para makapag pahinga.

Lunes

Maaga akong nagising para mag jogging. Hindi na puwedeng mawala sa daily routine ko ang pagtakbo.

After kong mag-ayos ng sarili ay dali-dali na rin akong bumaba para mag almusal. Nakasanayan na rin ng mga tao sa bahay na magkakasama kaming kumain sa hapag.

"Jane, sa bungad ng Village mo na lang ako ihatid."

Napahinto sa pagsubo si Jane. "Pero Young Lady?!"

"Masyadong takaw tingin ang karwahe sa mga schoolmates ko." Nagtataka sila kung bakit hinahatid sundo ako ng isang karwahe. Sobra na ang exposure ko sa school kaya dapat ng bawasan.

Sa Bungad ng Village

"Eman, hanggang dito na lang."

"Pero young lady baka mapagalitan ako ni Master Luis?!"

"Kapag kinausap ka niya ipaalala mo 'yung bike ko para hindi na ako maglalakad sa Village." Pababa na sana ako ng may maalala pa. "Mamayang uwian dito niyo na lang din ako antayin." Tuluyan na akong nakababa at pumasok sa Village. May mga nakakasabay akong kapwa ko estudyanteng naglalakad.

Pagtataka ang rumirehistro sa mga estudyanteng nakakapansin sa akin. Siguro nagtataka sila kung bakit naglalakad na lang ako.

Napahinto ang mga kaklase ko sa kanilang ginagawa ng makita ako. Nasanay na ako sa ganitong eksena sa school kaya dumiretsyo na ako sa upuan ko.

Napatingin na naman ako sa kaklase kong natutulog. Si Carlisle, hindi ba 'to natutulog sa gabi? Pagpasok ni Sir Ilagan sinipa ko na naman ang lamesa niya.

Napatingin siya sa akin, "May teacher na." Naging alarm clock na niya ako araw-araw. Magaling!

Pagkatapos niyang magturo nagbigay siya ng assignment at lumabas na rin ng klase. Ganoon din ang sumunod na subject.

Tumunog ang bell at lahat ng tao sa room ay lumabas na. Nilagay ko ang headset ko sa magkabilang tenga.  Habang naglalakad ay may hawak akong notebook. Magrereview ako para sa quiz mamaya and at the same time para pakiramdaman ang paligid ko.

Alam kong may gagawing kakaiba na naman ang mga tao sa paligid ko. Palamuti lang ang headset para kunwari hindi ako aware sa mga katarantaduhan nila.

Papunta ako ng locker area ng may nagharang ng paa sa dinadaanan ko hinakbangan ko lamang iyon. Hindi na uubra sa akin ang mga lumang istilo nila.

Ginawa kong training ground ang school at ang mga buling estudyante.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now