57: MATCH (THE REVELATION 3)

872 39 4
                                    

Ang nakaraan:

"Habang sinusugod siya ni Leigh unti-unti na niyang sinusulat ang pangalan nito sa kanyang notebook. Hindi mo lang iyon mapapansin basta-basta dahil masyado tayong naging abala sa atake ni Leigh." Paliwanag ni Dick.

"Nauunawaan ko na. Kung tutuusin kaya namang wasakin agad ni Troy ang mga atake ni Leigh pero hindi niya agad ginawa, kaya din niyang makalapit agad sa kanya dahil napatunayan niya iyon ng ilang beses kanina, sinadya rin niyang matamaan siya ng ibang atake upang linlangin ang kalaban na nakakalamang ito." Ngayon nakukumbinsi na nga talaga ako na magaling siyang magpanggap.

Tumango si Dick at Akihiro sa paliwanag ko.

Medyo nakakaramdam na ako ng kilabot dahil unti-unti ng pinapakilala ni Troy ang sarili niya sa amin. Lalo na sa akin dahil classmate ko siya.

"Kinailangan niya ng panahon para gawin iyon ng hindi napapansin ng kalaban." Sabi ni Akihiro.

"Nakakatuwa... Pwede na ba akong pumalakpak sa mga sinabi niyo?" Sabi ni Troy habang dahan-dahan itong lumalapit kay Leigh na sa mga oras na ito hindi pa rin makagalaw kahit nagbibigay na ito ng effort. "Isinulat ko rin sa notebook na susundin ni Leigh ang lahat ng gusto ko." Sabi ni Troy.




Sa tuluyang paglapit ni Troy inilapit nito ang kanyang mukha kay Leigh na animo'y hahalikan niya ito. "Ouch!" Nagulat kami dahil may bumato ng sandok sa kanya. "Sino 'yun?" Inis ang mukha nito.

Lahat tuloy kami ay tumingin kung saang dereksyon nanggaling ang sandok. Isa lang ang kilala kong bumabato ng sandok.

Nakangiti si Mr. Bill ng sobrang lapad na halos hindi mo na makitaan ng mata. "Pasensya na Iho. Nadulas sa kamay ko."

Paano siya nagkaroon ng sandok?

Napakamot na lang tuloy si Troy sa kanyang ulo. Agad naman niyang binalingan ang kanyang kalaban na magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin makakilos. "Subukan natin kung gagana." Isang ngiti ang rumihistro sa labi ni Troy. Ngiting nakakapanayo ng balahibo. "Itaas mo ang iyong kamay."

Nagulat ako dahil biglang naging blanko ang mga mata ni Leigh at unti-unti nitong itinaas ang kanang kamay."

Teka. Parang may naalala ako sa bagay na iyon!

Nagpatuloy si Troy sa pagbibigay ng utos kay Leigh. "Sampalin mo ang iyong sarili." Ginawa nga niya ito. Halos nag-mark ang palad ni Leigh sa kanyang pisngi. Blanko ang mukha ni Leigh at halos walang buhay ang kanyang katawan. "Tusukin mo ng flute ang katawan mo." Itinaas ni Leigh ang kamay nito na may hawak na flute at walang alinlangang tinusok ang kanyang dibdib. Tumulo ang masaganang dugo nito pero hindi mo pa rin siya makikita ng pamimilipit sa sakit.

Paanong masusugatan ng ganoon na lang ang katawan mo sa pamamagitan ng flute?

Lumapit si Troy kay Leigh at binulungan niya ito.

Tumango si Leigh at agad nagpatugtog ng flute. Umangat ang mga bato at umatake ito...

"Ilag!" Sigaw ng hindi ko na malaman kung sino sa mga kasama ko.

Nagulat ako dahil papunta na sa amin ang atake ni Leigh o mas tamang sabihin sa akin.

Dahil hindi ako ready kaya hindi ako naka-alis sa puwesto ko pero nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Carlisle at agad nitong prinotektahan ako sa pamamagitan ng kanyang espada.

Iwinasiwas nito ang sandata at hiniwa ang bato kaya nahati ito sa gitna.

Nakahinga ako ng maluwag doon. "Salamat." Hindi tumingin si Carlisle sa akin. Bagkus ay nakatingin lamang siya sa dalawang tao na nasa sentro.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now