23: EXAMS (2)

1.3K 65 6
                                    


"Masaya akong ibabalita sa inyo na ang nanalo sa music cover ay walang iba kun'di si Mr. Death note." Announce ni Ms. Harmony. Lalag ang balikat ng karamihan lalo na ang grupo ni Dexter and Phoebe. Siguro inaasahan nila na mananalo sila. "Pero natutuwa ako dahil marami ang tumangkilik ng inyong mga pinaghirapan and who knows baka ang ilan sa inyo ay magkaroon na ng fans club bukod kay Mr. Nice guy and Miss Frozen Princess."

"Woh! We loved that Ma'am." Sabi ng isang kaklase naming lalaki na hindi ko kilala.

"Okay, tama na muna ang kasiyahan at tayo nang mag-exam, gaya ng sabi ko Mr. Death note pwede ka na munang magliwaliw sa labas." Agad namang tumayo si Troy at lumabas ng classroom.

Inabot na sa amin ang test paper at nag-umpisa na naman kaming mag-exam. Di tulad sa ibang subject mas easy sa'kin ang music kaya ayos lang kahit hindi kami nanalo.




--------------------------------------------------------



P.E

Ito na ang pinaka-aantay na laban namin ng grupo ni Carlisle at grupo ko, pero bago iyon pinagawa muna kami ng essay para sa mga physical activities na nagawa namin sa boong period.

Pinaliwanag sa amin ng teacher kung pa'no ang mechanics ulit ng laro. "Gaya ng nakaraang laro hindi pa rin natin susundin ang pinaka-standard na oras. Kapag may nakabenteng puntos, automatic sila ang panalo."

Tiningnan ng mga kaibigan ni Dexter ang grupo nila Carlisle. "Basta bro galingan niyo lang. Huwag kayong padadaig sa mga 'yun." 

Matapos suotin ang color coding namin ay agad na kaming pumuwesto sa court. "Ready!" matapos pumito ng teacher namin ay inihagis na nito ang bola. Tumalon ang dalawang magkaibang team at nakuha ng grupo ko ang bola. Agad namang hinarangan ako ni Troy.

Ang chill lang nitong tingnan pero hindi ako pwedeng magpaloko. Isa siya sa dahilan kung bakit nanalo ang team nila noong nakaraang laban. Nakita kong pinasa ng isa kong kagrupo ang bola kay Dexter kaya pinilit kong makatakas sa matinding pagbabantay ni Troy. "Sorry Miss pero inutos sa'kin ng kaibigan mo na huwag kang pakawalan." Kung ibang babae ang sasabihan niya nito baka manginig na sa tuwa pero teka sinong kaibigan? Sinundan kong muli ng tingin kung papano makakaalis si Dexter kay Carlisle.

"Sinong kaibigang pinagsasabi mo?" hindi ko siya tinitingnan dahil naka-focus ako sa matinding dipensa ni Carlisle kay Dexter, pati na rin sa iba ko pang kasama.

"Ah?! Hindi mo ba kaibigan 'yung lalaking walang mata?" Ano daw?

Nanlaki ang aking mata ng maagaw ni Carlisle ang bola kay Dexter. Lagot... Binalik ko agad ang tingin kay Troy at tinitigan siya sa mata. "Huwag kang humarang sa daaranan ko!" ginamit ko ang pinakamabilis kong kilos para malito siya. Alam ko medyo unfair ako doon pero desperada ako eh. Nakaalis nga ako pero huli na ang lahat. "Ottuke?" Ang bilis... Imposible... Naipasok na ang bola sa ring at nakakuha sila ng three points. Sinundan ko ng tingin si Carlisle.

Naramdaman ko na lang na may kumalabit sa akin, nang tingnan ko si Dexter pala. "Hayaan mo na. Bawi tayo sa susunod." Hindi ko siya inimik pero umalis din naman siya at pumuwesto.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin kami nakakapuntos. "Ano bang meron sa grupo nila?" tanong ng isa naming kagrupo.

Kita ko na ang butil na pawis sa kanilang mukha. "Humanda kayo dahil mapapalaban tayo." Tantiya ko hindi basta ang grupo nila, lalo si Carlisle.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora