18: GIRLS FIGHT SCENE

1.4K 71 5
                                    

"Nakakatamad kaya ikaw nang bahala sa mga 'yan ha-ha-ha."

Loko-loko talaga ang matandang hukluban. Kahit nakakabuwisit ay agad na akong nagtungo sa likod bahay upang magsalok na naman sa balon.

Nagulat pa ako sa matatalim na matang nakatingin sa akin. "Ikaw? aba hanep ginawa ka nang alaga ng matandang hukluban na iyon?" ang baboy-ramong nahuli ko sa gubat ay nakatali sa isang punong malapit sa balon.

Hindi ko naman na siya pinansin at nag-asikaso na ako ng mga dapat kong gawin.

Matapos kong mapuno ang mga tapayan ay hinugasan ko na rin ang mga pinggan.

Ginawa ko lahat ng nakagawian kong routine bago ko nilisan ang bahay ni Master Hagiza.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumanhik sa aking kuwarto upang harapin ang mga takdang aralin. 





------------------------------------------------------

Seryoso ang lahat na nakatingin kay Ms. Harmony. Ngayon kasi ang huling pasahan ng project kaya lahat ay excited na sa announcement ng teacher namin.

"Okay, good job class gusto ko ang ginawa niyong music video. At dahil napabilib ako kaya lahat kayo ay bibigyan ko ng mataas na grado sa project." Naghiyawan ang mga kaklase ko na parang nanalo sa lotto. "May ginawa na akong page sa facebook. Doon niyo I-a-upload ang inyong mga gawa para mangalap ng reactions. Nakalagay na rin sa page kung kailan matatapos ang pataasan ng reactions at gaya ng sabi ko exempted sa periodical exam ang may pinakamataas."

Sa paglipas ng oras ay natapos din ang klase, kasabay ng mga taong papalabas ng kani-kanilang klase ay hinabol ko si Carlisle. Masyado siyang mabilis maglakad at halos mawala na sa mga nagkalat na estudyante sa hallway.

"Carlisle!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon o baka hindi niya ako narinig dahil nakikisabay na rin ako sa mga maiingay na estudyante. "Carlisle, wait lang!"

Nang makalapit ay agad kong hinablot ang kanyang braso. "Wait nga lang." Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. Gaya ng dati hindi ko na naman makita ang kanyang mga mata dahil natatakpan ito ng kanyang itim na buhok.

Magsasalita na sana ako pero natigil ako dahil inabot niya sa akin ang isang bagay, "Flash drive?"

"Ikaw na maglagay sa social media." Iyon lang at agad na rin itong tumalikod.

"Pero...." Hindi na ako nakapagsalita dahil itinaas na niya ang kanang bahagi ng kanyang braso kahit nakatalikod.

Gusto ko sanang sabihin na wala akong facebook pero naisip ko rin naman na marami na siyang nagawa para sa project namin. Wala na akong nagawa kun'di titigan ang flash drive na hawak ko ngayon at mapabuntong hininga.

"Lalim friendship." Napatingin ako sa babaeng biglang sumulpot sa tabi ko.

"Sino ka nga ulit?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi matandaan ang pangalan niya.

Napanguso siya, "Grabe ka, ang bilis mo namang nakalimutan ang pangalan ko." kunway nagtatampo ang boses nito. "Ako si Rune --- huwag mong kalilimutan ang pangalan ko Rune Saito."



"Malapit na ang acquaintance party ready na ba ang isusuot mo?"

"Yes, excited na talaga ako sa party."



The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now