63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)

762 30 5
                                    

"Vixen," tawag ni Dick sa fox.

Tumango lang ito na tila alam na niya ang ibigsabihin ni Dick. Segundo lang ay agad nawala sa paningin namin ang dalawa.

Agad naging alisto si Dicko dahil sa biglang pagsulpot ng fox sa likuran nito at inatake siya. Nagpakawala ng mabigat na atake ang fox pero agad iyon iniwasan ni Dicko. Tumalon ang Fox at binigyan ito ng mabigat sa suntok ngunit tumalon din si Dicko upang iwasan ito kaya ang sahig lang ang napinsala ng fox.

Napatingin si Dicko sa itaas dahil pasugod na ang kakambal niya. Winasiwas ni Dick ang plant whips niya. Parang galamay ng Octopus ang sandata ni Dick na papasugod kay Dicko. Maingat na iniiwas ni Dicko ang sarili sa mga atake nito.

Nagbago ang kamay nito at napalitan ng matalas na patalim ang kamay niya at agad pinagpuputol ang plant whips ni Dick.

Muling sumulpot ang fox sa likuran niya kaya agad itong tumalikod at pinaputukan siya pero naka-iwas lang ito. Dahil naging abala si Dicko kaya hindi niya naiwasan ang plant whip sa kanan niya at hinampas siya nito.

Tumilapon si Dicko pero bago pa nakasayad ang katawan niya ay nagawa niyang magbalanse kaya maayos pa rin ang lapag niya sa sahig. Pinagkrus niya ang braso niya dahil inatake siya ng Fox. Bahagya siyang tumingin sa gilid dahil papasugod na rin si Dick kaya tinutok niya ang kaliwa niyang braso rito at pinaputukan ng lightning ball bago pa ito makalapit sa kanya.

Hindi nakaiwas si Dick kaya natamaan siya nito pero tumilapon din si Dicko dahil hindi niya napansin ang isa pang-atake ng fox.

Minuto lang ay tumayo rin ang dalawa.

Napailing si Akihiro na agad ko namang napansin. "Ang hirap hulaan kung sino ang nakakalamang."

Tama siya. Halos parehas sila ng lakas kahit pa sabihing dalawa na ang kalaban ni Dicko ay kaya pa rin niyang makipagsabayan dito.

Muling humaba ang plant whips ni Dick at lumapit ito sa fox upang sabay silang sumugod sa kalaban.







Hindi ako sigurado kung ilang oras na ang kanilang paglalabanan pero ng lumapag ang dalawa sa sahig ay malalim na ang kanilang paghinga. Halata kay Dick and Vixen ang pagod, pati ang mga natamo nilang galos sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

"Ha-ha-ha!"

"Anong nakakatawa sa sitwasyon mo ngayon?" tanong ng fox sa kanya na hindi maitago ang pagkairita sa kanyang kalaban.

"You forgot already na isa akong robot. Hindi ako nakakaramdam ng pagod."

"Ha-ha-ha!" tumawa rin ang fox kaya napakunot ang noo ni Dicko. "Nakalimutan mo yatang may kahinaan ang robot kagaya ng mga walang kwentang latang alaga mo."

"Ikaw!" tila naasar si Dicko sa sinabi ng Fox kaya agad itong sumugod sa kanila. "Akala niyo ba hahayaan ko pang mangyari iyon?"

Muli na naman nag-umpisa ang walang katapusang paglalaban ng tatlo sa gitna.

Sa isang iglab ay nasa likuran na ni Dick si Dicko at agad niyang winasiwas ang patalim niyang sandata. Naramdaman naman iyon ni Dick kaya agad siyang lumayo rito kaya nag-mark lang sa hangin ang atake niya. Agad siyang sinugod ng Fox kaya tumambling ito sa itaas at binaril ito pero naka-iwas din ang Fox.

Ibinuka ni Dick ang kanyang braso at kusang humaba ang mga plant whips niya at inatake ang kakambal niya. Nahuli nito ang braso ni Dicko at agad hinatak iyon kaya humiwalay ito sa katawan niya. May dugo mang tumagas sa kanyang putol na laman kita pa rin ang mga putol na wire na nagkikislapan. Nakakapagtaka lang dahil iba ang kulay nito.

Imbis na masaktan ay ngumiti lang si Dicko sa nangyari. Samantalang hindi maikakaila ang gulat sa mukha ni Dick, hanggang ngayon parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya sa kapatid niya.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now