26: EARTH QUAKE

1.5K 60 10
                                    


Itinaas ko ang aking kamay at kusa namang lumapag sa hintuturo ko ang puting paroparo, ilang minuto lamang at lumipad na rin ito at pinaikutan ako.

Namalayan ko na lang din na sinusundan ko na pala siya hanggang sa makarating ako sa park ng school. Napahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong tumutugtog ng flute.

Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa damuhan, nakapikit ito habang tumutugtog.

Anong pakiramdam 'to? Parang...

Parang pinapakalma ako ng music niya.

Huminto siya sa pagtugtog at tumingin sa direksyon ko. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha pero masasabi kong tinatayuan ako ng balahibo. Bakit? Anong meron sa taong ito?

"Pa-pasensya ka na kung naistorbo kita." Tumalikod na ako at tuluyan nang nilisan ang parke. Hindi ako sanay sa mataas na takong kaya habang naglalakad ay unti-unti kong tinatanggal ang aking sapatos, nilugay ko ang aking buhok at tinanggal ang aking maskara. Abala ang mga tao sa party kaya tiwala akong walang makakakita sa akin.

Umihip ang malamig na hangin kaya nakaramdam ako ng sobrang lamig. "Ang tagal naman nila Jane."

"Ikaw!" napalundag ako dahil sa boses na nagmumula sa aking likuran. Pamilyar ang kanyang boses kaya hindi ako lumingon.

Si Dick. Bakit nandito siya sa labas? Naramdaman ko na parang lalapit siya sa akin. "Hanggang diyan ka lang." Tumakbo ako ng mabilis nang maaninag ko na may karwaheng paparating. Hindi ko man sigurado kung si Jane iyon pero mas maigi na ang makalayo sa kanya. Nabitawan ko ang aking maskara pero hindi ko na iyon binalikan pa.

Nang makalapit ako sa karwahe ay agad bumukas ang pinto at lumabas si Jane. "Sandali!" pigil sa akin ni Dick. "'Yung maskara mo Elyon."

Nanatili lamang akong nakatalikod. "Young lady." Tawag ni Jane. Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

"Pakitapon na lang, Kamsahamnida." Iyon lang at tuluyan na kaming pumasok sa karwahe.




--------------------------------------------------------




October

Matulin ang aking pagtakbo upang hindi mawala sa aking paningin si Master Hagiza.

Medyo hirap ako dahil sa mga nakaharang na puno at halaman sa paligid namin. Pilit kong hinahabol ang aking target at dahil focus ako kay Master Hagiza kaya hindi ko namalayan ang isang malaking puno. Huli na ng mapagtanto ko dahil sa tulin ko sa pagtakbo. "Ouch!!!" dumikit ang katawan ko sa malaking puno at padulas akong bumagsak sa lupa. Letche ang epic... Hinawakan ko ang aking ilong dahil sa sakit ng pagkakayupi nito. Ang sakit...

"Ano bang ginagawa mong bata ka?" tanong ni Master Hagiza.

"Niyayakap ko po 'yung puno. Sinalubong niya ako eh." Biro ko kay Master Hagiza, pampatakip sa ka-engotan ko.

"Tumayo ka na diyan bilisan mo!"

"Ito na po oh." Naisipan ni Master Hagiza na sa gubat na kami mag-ensayo, mas malawak at komplikado ang paligid dito.

"Mag-focus ka, lahat ng tinuro ko sa'yo ay gamitin mo dahil nauubusan na tayo ng panahon." Iyon lang at nag-umpisa na siyang pumustura.

Pupustura pa lamang ako pero parang nayayanig ang lupa. Napatingin ako dahil biglang nagkaingayan ang mga hayop sa gubat, maging ang puno ay tila nanginginig sa lindol. "Master!!!" tawag ko sa kanya dahil tila hindi maganda ang nararamdaman ko rito.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now