51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)

891 52 4
                                    

Tinanggal ko ang pagkakalapat ng aking palad sa kanyang noo at ngumiti rito. "Ako si Elyon." Pakilala ko sa kanya. Nagbukas, sara ang mga mata nito na tila nauunawaan ang sinasabi ko. "Kaibigan, gusto ko sanang lumipad papunta roon." Turo ko sa itaas kung saan nanggagaling ang kakaibang lantern. "Maari mo ba akong dalhin sa parteng iyon?"

Tumingin siya sa itaas pero agad din niyang binalik ang tingin sa akin.

Hree!

Muling angil nito kaya medyo napaatras ako. HIndi ko napaghandaan nang sinunggaban ako ng kanan nitong paa. "Ah!" Tumilapon ang katawan ko at nagpagulong gulong sa sahig. Pinilit kong tumayo pero sinorpresa ako ng muli nitong pag-atake. "Ah!!!" Tinamaan nito ang paso ko sa braso at muli na naman akong tumilapon. "Arggg." Bumangga ang katawan ko sa poste. A-ano bang problema niya? Nakakainis...

Nanlaki ang aking mata dahil muli na naman siyang susugod kaya pinilit kong tumayo. Pabagsak nitong ibinaba ang kanyang mabigat na paa kung nasaan ako, kaya agad akong umalis pero nawalan din ako ng balanse dahil sa bigat ng atake nito. Nasira ang sahig na pinagbagsakan ng paa nito at nagliparan ang mga piraso ng bato sa kung saan-saang direksyon. Nakaabot rin iyon sa akin, kaya dinipensahan ko ang aking ulo. Kung hindi agad ako nakaalis doon baka napipi na ang katawan ko.

Hree!

Papasugod na naman ang Dragon kaya agad akong tumayo at tumakbo. "Ano bang problema mo?"

Hree!

Nagtago ako sa poste pero nagbuga ito ng apoy kaya agad akong yumuko. Siyete, ang init. "Bakit ba kasi?"

Pambihira naman kasing Dragon na ito! hindi ko alam kung anong klaseng mood ang mayroon siya. Parang kanina lang okay na kami tapos---

Napahinto ako sa pagmumuni-muni nang may maalala. "Hindi kaya?" Napayuko na naman ako dahil nagbuga na naman ng apoy ang Dragon. "Sige na. Joke lang 'yung sinabi ko kanina." Hindi pa rin ito tumitigil sa kanyang pag-aamok kaya habang nakatago sa isang malaking poste naisipan kong kumanta. Baka sakaling mapakalma ko siya. Umupo ako habang nakatalikod sa poste, hindi ko na isinandal ang aking likod dahil tila nararamdam ko pa ang init niyon.

I remember tears streaming down your face when I said I'll never let you go.
When all those shadows almost killed your light.

Nararamdaman kong huminto sa pagbubuga ng apoy ang Dragon kaya muli kong pinagpatuloy ang pagkanta.

I remember you said don't leave me here alone.
But all that's dead and gone and passed tonight.

Naalala ko na naman bigla ang Nanay ko, 'kung papaano ako nito pakalmahin sa pamamagitan ng kanyang lullaby noong bata pa ako.

Napapikit na lamang ako upang alalahanin ang nagpapalakas ng loob ko upang magpatuloy sa labang ito.

Just close your eyes, the sun is going down.
You'll be alright, no one can hurt you now.
Come morning light, you and I'll be safe and sound.

Wala na akong maramdamang pagkilos sa aking paligid. Kaya nang sumulip ako'y nakita kong kalmado na ang Dragon.

Don't you dare look out your window, darling everything's on fire.

Tumayo ako at unti-unting lumalapit sa kanya. Hindi ko akalaing epektibo pala ang pagkanta upang mapakalma ang isang nilalang. Partikular sa Dragon na ito.

The war outside our door keeps raging on.
Hold onto this lullaby even when the musics gone, gone.

Umupo ito sa aking harapan na animoy isang maamong hayop. Inilapit nito ang kanyang ulo sa akin kaya hinawakan ko iyon at hinimas.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon