45: STRANGERS (4)

1K 47 17
                                    

Pabagsak akong humiga sa kama. Inalala ko ang mga nangyari kanina. Inalala ko ang sinabi ni Vincent kung bakit ako sinugod nang mga halimaw.

Ang mga umatake sayo ay mga black ninja na kabilang sa mga hukbo nang isang nilalang na gusto ng kadiliman at kapangyarihan.

Kadiliman?

Pinipilit kong unawain ang mga nangyari subalit hindi makapagprocess sa utak ko ang sinabi ni Vincent. Sino ang tinutukoy niya?

Kinapa ko ang aking tagiliran. Gusto kong matawa sa mga nangyayari pero hindi ko magawa. Si Kyzhen, hindi pala siya pangkaraniwang nilalang....

Teka...

Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa pintuan. Kung girlfriend niya si Frigelle o Rune, alam kaya nila ang tinatagong sekreto ni Kyzhen?

Muling bumukas ang pintuan at niluwa 'nun si Master Hagiza na may dalang pagkain. "Kumain ka na at muling magpahinga." Matapos malapag ang pagkain ay tumalikod na rin ito at naglakad palabas ng kwarto.

Tinanggal ko ang aking maskara. "Master..." Napanhinto si Master Hagiza at bahagyang lumingon sa direksyon ko. "S-sorry. Wala po akong nagawa kanina."

Ang alam ko kasi malakas na ako pero ewan ko ba? Hindi pa rin mawala sa sistema ko ang pagiging duwag. Masyado atang nagimbal ang utak ko kanina kaya hindi ako nakapag-isip nang matino. Lumapit sa akin si Master Hagiza at... "Aray... Ano ba?" Pinukpok niya ang ulo ko ng kutsara. Paano niya nakuha ang kutsara sa tray ng hindi ko napapansin?

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayong bata ka!" Napasimangot na lang ako sa sinabi nang matandang hukluban. "Manatili ka muna rito dahil maraming tao sa labas."

"May mga bisita po tayo?" Akala ko yung dalawang binata lang yung naandito sa bahay, meron pa palang iba. Akala ko kanina hallucination ko lang yung mga naririnig kong boses babae.

"Kakarating lang ng iba. Kasama nila 'yung mga tumulong sa iyo."

Isang tango na lang isinagot ko. Tumayo na ito at lumabas na ng kwarto.

Palibhasa kahoy ang ding-ding kaya rinig ko ang pinag-uusapan ng mga tao sa ibang parte ng bahay. Dahil nga nag-adjust na rin ang pandinig ko kaya mas malinaw kong naririnig ang sinasabi nila. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Master Hagiza dahil kahit may pagitan na ding-ding, naririnig pa rin nito ang mga bulong ko. Pero matanda na siya eh... Dapat mahina na ang mga pandama niya.

"Kailangan namin ang mahalagang bagay na iyon upang magamit sa isang forcefield! Ang apat na elemento ay ilalagay sa apat na sulok ng Green Valley upang hindi na ito mapasok ng kahit anong dark forces."

"Nabanggit na rin iyan ng mga Ducentibus nang ma-divert ko sila sa lugar namin. Maaring iyan din ang pakay ni Lijon sa lugar na ito dahil hindi ito magkakainteres kung walang makapangrihang bagay na nakatago rito."

'Yung Lijon ba ang tinutukoy kanina ni Vincent? Kung tama ang pagkakaintindi ko ang apat na elemento talaga ang target nila. Pero bakit damay ako? Bakit ako ang puntirya nila, hindi ko naman hawak ang mga elemento?

Tsaka ano yung Ducentibus?

"Kayanga nga kami sumunod ni Khorie dahil sa bagay na iyan."

"Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero kailangan na nating umalis sa lugar na ito. Ang hinahanap nating bagay ay... Hindi nakalaan para sa atin."

"What do you mean? Kung nagpunta kayo rito para sa isang kalokohan kailangan na ngang umuwi... Ngunit kayo lang!"

Kilala ko ang boses ng huling lalaking nagsalita. Alam kong kay Vincent iyon. Mukhang iritang irita ang tono ng boses nito. Kailangan ko na ba talagang maniwala na masungit siya pero bakit sakin okay naman ang pakikitungo niya?

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now