2: FIRST DAY OF SCHOOL

3.4K 101 32
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pagkatapos kong magbihis agad na akong lumabas nang kwarto at nagtungo sa kusina. Nadatnan kong ready na ang pagkain na nakahain sa lamesa.

"Magandang umaga young lady."

Bati sa akin ni Grace. "Good morning din," inilibot ko ang aking paningin.

"Nasa labas na po si Ms. Jane. Doon na lang daw po niya kayo aantayin."

"Wala bang sasabay sa akin sa pagkain?"

Yumuko si Grace. "Hindi po ako puwedeng sumabay sa inyo."

Hindi ko na siya kinulit at baka mahuli pa ako sa klase. Unang araw ko pa lang ito kaya dapat wala akong kapalpakan na magawa.

Matapos kong kumain ng umagahan ay lumabas na ako ng bahay. Nadatnan ko si Jane na nag-aantay sa akin.

"Good morning young lady."

"Morning."

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng karwahe. Bago kami makarating ng Village ay inilagay ko na ang maskara sa mukha ko. Magpapanggap na naman ako.

Huminto ang karwahe sa tapat ng school. Pagbaba ko ay naabutan ko ang mga estudyanteng nagkukumahog sa pagpasok. Karamihan sa kanila kung hindi naglalakad ay nagkabisikleta. Mukang ako lang ata ang nakakarwahe.

"Oh, my ghad nandyan na sila!"

Dinig kong tili ng isang babae. Nagsitakbuhan ang mga tao sa iisang direksyon, nang sundan ko sila ng tingin may dalawang karwahe ring huminto.

At least mali ang akala ko.

Dahil hindi ako interesado kung kaya't umuna na akong pumasok ng school.

Nagtungo ako sa registrar office para malaman kung saan section ako papasok. Bumungad sa akin ang isang babaeng halos kasing edad ni Jane.

Hindi ko pa man sinasabi ang kailangan ko ay inabot na agad niya sa akin ang isang papel. Teka pano niya nalaman?

Tiningnan ko siya at bakas sa kanyang mukha ang kuryosidad. Oo nga pala nakamaskara nga pala ako. Malamang ako lang ang bukod tanging naka ganito rito at malamang nasabihan na siya ni Master Lu--- I mean ng Daddy ko. Ay, hindi Master Luis talaga ang gusto kong itawag sa kanya. Hindi ko talaga gusto ang trip niya sa buhay na magpanggap na tatay ko.

Malaki ang academy kaya imbis na hanapin ay nagtanong na lang ako sa mga estudyante.

"Miss, san dito yung building ng Grade 10?"

Nagulat siya nang humarap sa akin. Bakas ang takot sa kanyang mukha pero hindi ko iyon pinansin. Malapit nang mag-umpisa ang klase kaya wala na akong pake kung naiilang siya.

Tinuro niya ang west side ng academy.

"Salamat." Tinakbo ko ang building na nasa west. Pagdating ko umakyat agad ako sa 2nd floor dahil nandoon ang section ko. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang mga mapanuring mata. Yung iba sa kanila nagbulungan pa. Hindi ko sila pinansin at naghanap ako ng bakanteng upuan.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now