69: MATCH (The True Artist 2)

287 28 7
                                    

Ang nakaraan:

"Alam mo kung ano ang gusto ko sa pagiging artist? Kapag orihinal ang gawa mo, genius ka. Habang ang iba'y gagayahin na lamang ang gawa mo, at magpapalusot sila na inspired sila." Itinaas niya ang vase na hawak niya. Kung titingnan mabuti maganda ang design ng vase niya pero nagulat ako dahil bigla niya itong hinagis sa harap ko at nabasag. Ito ang suggestion niya? "Ang pinakaayaw ko lang. Ikaw ang original pero hihigitan ka ng mga taong nanggaya sa gawa mo. Babaguhin nila ng kaunti ang gawa mo para magmukhang original art work nila."

"So anong suggestion mo?" kasi hindi ko makuha ang punto niya, I mean napapagod na rin talaga akong mag-isip.

"Simple lang naman, kailangan mong mabuo ulit ang vase. At kapag nagawa mo 'yun panalo ka."

Medyo hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. "Paano kung hindi ko mabuo ang vase?"

Naging seryoso ang mukha niya at itinuro niya ako. "Ibibigay mo sa akin ang sarili mo, ang puso mo, at ang kaluluwa mo."



---------------



Parang lumulobo ang ulo ko, gusto nang tumulo ng luha ko, at nakakaramdam na ako ng panginginig ng kalamnan dahil sa sinabi ni Rune. Hindi ko kasi inasahan ang kapalit sakaling hindi ko mabuo ang vase. Gusto ko siyang tanungin kung bakit gusto niya akong makuha pero...

"Tinatanggap ko ang suggestion mo," sagot ko na lang.

"Magaling." Sabi nito. Ilang segundo siguro kaming nagsukatan ng tingin. Hindi siya kumikilos kaya mabilisan ko lang tiningnan ang basag na vase sa harap ko tapos balik ulit ng tingin sa kanya. Teka, paano ko pala bubuin 'yung vase kung wala akong pandi---

Napahinto ako sa pag-iisip at napatingin sa gintong pintura. Muli ko na namang ibinalik ang tingin kay Rune. Mukhang alam niya kung anong iniisip ko ngayon dahil napangisi siya at dahil du'n wala na akong sinayang na oras. Agad kong pinilas ang manggas ng long-sleeve ko at tumakbo kung nasaan ang gintong pintura. Saktong pagyuko ko... "Ah!" 'yung paintbrush niya naglabas ng tintang itim. At nang iwinasiwas niya ang paintbrush 'yung itim na tinta ay naging latigo at tinamaan ang likod ko. Tiniis ko ang hapdi habang kumukuha ng pintura. Ginamit kong glove ang manggas na pinilas ko para hindi dumikit sa kamay ko ang pintura.  Ginawa ko namang pangsandok ang dagger ko.

Hindi pa rin humihinto si Rune sa paghampas sa akin sa kung saan-saang parte ng katawan ko, at sa bawat hampas niya'y kumukurba ang mga iyon sa balat ko at nagiging sugat.

Nang makakuha ako ng sapat na pintura ay pagapang na akong nagtungo kung nasaan ang basag na vase dahil masyadong masakit at mabigat ang impact ng paghampas ni Rune sa akin. Nang halos makalapit na ako'y naramdaman ko na lang na may pumulupot sa leeg ko at sapilitan ako nitong hinila. "Hack!" nasasakal ako kaya sinubukan kong gamitin ang dagger ko kung uubra sa tintang latigo pero nabanat lang 'yung latigo at hindi naputol.

"Hindi tatalab iyan Ely..." sabi ni Rune.

Kung ganu'n wala akong choice. Binitawan ko ang mga hawak ko saka ko hinawakan ang nakapulupot sa leeg ko. "Yah!!!" puwersahan kong hinatak iyon kaya nagulat si Rune dahil nadala siya sa ginawa ko. Ini-extend ko ang kamay ko para mahila pa lalo siya at nang kaunti na lang ang agwat namin ay saka ko iyon tinaas kaya pati si Rune ay naisama ko at binalibag ko siya.

"Argh." Daing niya nang lumagapak sa sahig ang katawan niya.

Agad kong kinuha ang dagger at pintura. Nang tuluyan akong makalapit ay naupo ako sa lapag para umpisahang buuin ang vase. "Ah!" napainat ako dahil may tumama na naman sa likod ko. Sa sobrang kirot parang gusto nang bumigay ng katawan ko at tila kinukulang na rin ako ng hangin. Napatukod na lang 'yung isang kamay ko, napapikit ako upang bumuwelo. Saktong pagtama ng latigo niya sa katawan ko'y nahawakan ko ito saka hinila pero mukhang alam na ni Rune ang gagawin ko kaya napaghandaan niya iyon. Nagulat ako dahil nang winasiwas niya ulit ang latigo ay bigla itong pumulupot sa katawan ko saka binalibag sa sakit. "Argh..." Sumuka na ako ng dugo.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now