69: MATCH (The True Artist 2)

Start from the beginning
                                    

Muli niyang winasiwas ang latigo kaya nahatak na naman niya ako at inilapit sa kanya. Sasakalin sana niya ako pero sumuka na naman ako ng dugo at sakto sa mga mata niya. "Ah!"

Parang deja vu ang nangyari dahil ganito rin ang ginawa ni Leigh sa notebook ni Troy. "Hoy classmate, gaya-gaya ka!" narinig ko ang boses ni Troy pero hindi ko siya pinansin. 

Nabitawan ako ni Rune dahil pinupunasan niya ang dugo sa mga mata niya. Hindi na ako nagsayang ng panahon at muli kong binubuo ang vase. Maingat kong kinakabit ang bawat piraso ng bubog pero hindi naging madali sa akin lalo pa't nanginginig ang kamay ko at nanlalabo na ang paningin ko. Ilang segundo lang ay mukhang nakikita na ako ni Rune kaya agad akong tumayo at sinugod si Rune.

Hindi ko siya puwedeng bigyan ng pagkakataon dahil baka mas malala pa magawa niya ulit sa akin. Sinuntok ko siya ng makailang beses saka tinadyakan sa tiyan kaya na out of balance siya. Pasensya na Rune pero kailagan kong gawin 'to. Muli akong tumakbo upang ituloy ang pagbuo sa vase. Nang makuha ko na ang mga kailangan ko'y naramdaman kong may pumulupot sa paa ko at nahatak na naman ako nito. "Woh!" muntikan ko pang mabitawan ang mga hawak ko pero nagawa ko pang madikit ang malaking bubog sa mga nadikit ko nang piraso. Nang muli niya akong ibabalibag ay niyakap ko ang hawak ko. Ayokong mabasag pa ulit 'to. Tumama ang likod ko sa sahig pero muli na namang umangat ang katawan ko at mukhang padapa pa yata ang pagbagsak ko kaya inangat ko ang vase ng tumama ang harap ko sa sahig. Hindi pa nakuntento si Rune at muli na naman niyang iwinasiwas ang latigo niya kaya umangat na naman ako pero pinaikot niya ang latigo niya hanggang sa pabilis nang pabilis ang pag-ikot nito. Nahihilo ako!

Pinakawalan ng latigo niya ang paa ko kaya tumilapon ang katawan ko sa malayo at tumama sa pader ang katawan ko. "Arg!" hindi ko inintindi ang nararamdaman ko. Pinilit kong dumilat at tiningnan ang hawak ko. Salamat naman at hindi nabasag o nasira man lang. Madikit talaga ang pintura'ng 'yon. Kahit na hirap na ako'y pinilit ko ulit na tumayo at magtungo sa iba pang piraso ng vase. "Hindi ka pa rin susuko?" tanong ni Rune.

"K-kung ki-kilala m-mo nga talaga ako. Alam mong may pagkadu-duwag lang ako..." nahihirapan na akong magsalita kaya hindi ko na matapos pa ang sasabihin ko.

"Huminto ka na dahil imposibleng mabuo mo ang vase kahit anong gawin mo."

Umiling ako. "Du-duwag ako p-pero hindi ako marung sumuko. P-Pinaninindigan k-ko lahat ng s-sinasabi ko kahit alam kong napakaimposible." Utang na loob ayaw ko nang magsalita. Nadadagdagan kasi ang pagod ko kapag pinipilit kong magsalita eh. Muntikan pa akong mapadapa dahil nanlalambot na talaga ang tuhod ko. Isa lang ang layunin ko ngayon, ang mabuo ang vase.

"Ely..." hindi ko siya pinansin ng banggitin niya ang pangalan ko. Malumanay ngunit malungkot ang pagkakabigkas niya. Muli kong ikinabit ang piraso ng vase. "Kung ganu'n wala akong choice..." iwinasiwas niya ang latigo at tinamaan ang harap ko kaya muli na naman akong tumilapon at nabitawan ang vase.

Ilang segundo bago ako tuluyang makabawi at pagapang na lang ang ginawa ko. Ayaw na kasing sumunod ng mga paa ko. "Ano ba Ely?!" nayayamot na si Rune. "Bakit ba? Bakit ba hindi ka marunong sumuko? Ayaw mo ba talaga ibigay sa akin ang sarili mo? Kinamumuhian mo ba ako?"

Hindi, wala akong kinamumuhian kahit sino sa inyo. Gusto kong isatinig iyan pero hindi ko magawa, sa halip iba ang lumabas sa bibig ko. "Rune..." napatingin ako sa kanya ng makaupo na ako sa tapat ng vase na ginagawa ko. "Bakit gusto mo akong maangkin?" iniiwasan ko talagang itanong 'yan kanina pa. Baka kasi hindi na ma-abrsorb ng utak ko kung ano pang sasabihin ni Rune. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at nagkalakas ako ng loob itanong 'yan. 

Hesitation, iyan ang nakikita ko ngayon sa mukha niya. Sa itsura niya mukhang ayaw niyang sabihin ang dahilan kaya kahit medyo lupaypay na ang katawan ko'y pinagpatuloy kong muli ang pagbuo ng vase.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now