"Ikaw ah?" Tumawa ako.

"Sira! Mali 'yang iniisip mo. Bye na."

Tuluyan na akong umalis sa party na iyon.

Naglakad pa ako sa kabilang street dahil malayo pa ang sakayan.

At halos mapayakap na lang ko sa aking sarili dahil sa lamig ng hangin. Naka dress lang ako.

Walang katao-tao at street lights pa na papatay-patay ang ilaw lang sa madilim na tinatahak ko.

Mga ilang lakad pa ay may naramdaman akong sumusunod kaya kinabahan na ako.

"Miss, nakaw 'to!" Napaigtad ako sa gulat pero hindi ako gumalaw dahil naramdaman ko ang talim ng kutsilyo sa tagiliran ko.

Kinuha nila ang lahat sa akin, ang sling bag ko, ang phone ko, ang mga alahas ko at relo ko.

"Pare, maganda 'to!"

Nakawan na lang ako please! Huwag na nila gawin ang iniisip nila!

"H-Huwag po..." Pero parang demonyo na sila at handa ng lapain ang biktima nila.

Nagsisigaw ako at kumawala sa kanilang dalawa pero mas malakas sila.

Narinig ko pa ang pagkapunit ng hem ng dress ko.

"Huwag ka ng sumigaw miss, walang makakarinig sayo rito."

Napahagulgol na ako at walang magawa. Sobrang hina ko. Ang hina-hina.

Binaboy nila ako, kinuha nila ang pinagkaingat-ingatan ko.

"Aba'y birhen pala 'to pre!" Nagtawanan pa sila habang binaboy ako.

Ilang oras nila akong pinagsawaan sa madilim at walang katao-taong lugar.

Pagkatapos makuha ang lahat sa akin pati ang sarili ko ay iniwan nila ako.

Napayakap ako sa sarili ko at binaba ang punit na hem ng palda ko.

Umiyak ako nang umiyak habang nawawalan na ng pag-asa, pero tumayo ako para puntahan ang boyfriend ko.

Naghihintay siya sa akin. Kailangan ko siyang puntahan.

Isang at kalahating oras lang naman kung lalakarin ko. Hindi rin ako makakasakay dahil sa wala na akong pera, wala na ring masyadong masasakyan dahil anong oras na.

Naglakad ako kahit sobrang sakit na ng buong katawan ko.

Tuluyan akong nakarating sa lugar kung saan kami palaging nagkikita. It's our favorite place, dahil kita mula rito ang napakagandang kalangitan.

Wala akong nadatnan na Janro. Hinanap ko siya pero wala.

Pero may napansin ako at nilapitan iyon. Isang red velvet box.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko. It's an engagement ring!

"S-Sorry... marumi na akong babae." Humagulgol ako sa lugar na iyon.

"Mabuti at naisip mo pang dumating dito. 9:00 pm to 2:00 am in the midnight? At ngayon ka lang talaga dumating?" May narinig akong malamig na boses sa aking likuran.

"Janro!" Akma ko siyang lalapitan ngunit agad siyang lumayo. Sumakit ang puso ko sa ginawa niya, na halos malapagsan yung sakit ng buong katawan ko.

"You whore!" sigaw niya.

Yes, na-rape ako pero napakasakit na marinig mismo na manggaling iyon sa kanya.

"L-Let me explain..." Pero umiling siya.

"You don't need to explain. And you know what? Let's just break up!" Nakita ko ang galit sa kanya. Galit na galit.

Wala na naman akong magawa kundi ang umiyak.

He look at me and shook his head in disbelief.

Yes, I am a mess.

Amoy alak pa ako. Yung damit ko na marumi, gusot at may punit pa, yung buhok kong magulo, yung mga make up ko na wala na sa ayos.

"Siguro nagpagalaw ka na sa mga lalaki mo, hindi ka na nahiya."

I want to explain! I want to defend myself! I want to prove that I am clean. Pero kahit ni-isang salita ay walang lumalabas.

I am already tired. Physically, emotionally, and I can't even think right. Nagsabay-sabay na sila, hindi ko na alam ano ang uunahin.

Iniwan niya ako roong mag-isa. I don't have everything in me at umulan pa, hindi ko na alam saan pa ako pupunta.

And that day... I always believed that I am a whore and I am a filthy girl. No one will respect me, dahil nakuha na lahat sa akin.

--

Nakita ko ang mga gulat sa kanilang mga mata. Hindi makapaniwala sa kwento ko.

Patuloy lamang sa pagtulo ang luha galing sa mga mata ko.

Niyakap nila akong lahat kaya't halos bumalik ulit yung sakit sa akin kahit ilang taon na ang nakakalipas.

Napakatagal na panahon kong itinago ang lahat. Nabuhay lamang ako sa sakit. I am just here because of pain.

"R-Rev..." Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang napaka familiar na boses na iyon.

"Rev, I didn't know. B-Bakit hindi mo sinabi?" Nilingon ko siya at pagod na tinignan.

Narinig niya lahat, alam na niya.

"For what? Para kaawan ako? Para bumalik ka sa akin? Para bumalik lahat sa dati?"

Akma niyang hahawakan ang kamay ko pero iniwas ko kaagad 'yon.

"I'm sorry."

I bit my lower lip. Please, stop! Tama na yung sakit! Bakit ba hindi ito matapos-tapos?

Pinilit kong huwag humagulgol pero yung luha ko ay patuloy lamang sa pagtulo.

Halos mag blur na ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi maubos-ubos.

Pagod na pagod na ako.

"If I can turn back the time. Minahal kita Rev, nasaktan lang ako." Umiling ako sa sinabi niya.

"You didn't love me."

"Kung pinaliwanag mo sa akin ang lahat, baka tayo pa rin!" sigaw niya.

"No! Kahit hindi ko ipiliwanag sayo na nanakawan ako, na nawala lahat sa akin, na narape ako nang araw na 'yon... hindi mo ako pagtatabuyan! Kasi mahal mo ako diba? Pero hindi naging sapat 'yon kaya mo ako iniwan kahit nalate ako ng dating. Pinilit ko Janro, pinilit ko na makarating sayo kahit ubos na ubos na ako nang araw na iyon, kahit pagod na pagod na ako noon pinilit ko. Pero ikaw? Isang mali ko lang, iniwan mo na ako!"

Huminga ako ng malalim dahil hindi ko na napigilan. Ang dami kong gustong sabihin pero parang nablanko ang utak ko.

I look at the girl who's watching at us. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. She love Janro, don't worry, wala naman akong balak na kuhain sa kanya ang taong minahal ko.

"But anyway— c-congrats ikakasal ka na. You don't need to be guilty on what happened to me, ilang taon na naman na ang nakalipas... nakaya ko nga e. K-Kaya ko."

I look at the engagement ring na dapat ay ibibigay niya noong araw na iyon. Suot-suot ko pa rin ito hanggang ngayon, dahil hindi ko siya kayang pakawalan. But I need to.

Marahan ko yung hinubad sa kamay ko and gave it to him.

"I am letting all the pain from past... especially you."

And I just realized that our love is meant to be broken... kahit gaano pa namin mahal ang isa't-isa noon, mismong tadhana ang gagawa para masira at maghiwalay kami.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora