Epilogue

9.6K 181 24
                                    

Not edited.

Clark

"HAPPY ANNIVERSARY!!" Sigaw namin sabay ng pagsabog sa confetti sa ere.
We surprised our parents for their anniversary. It's almost two years since their last anniversary at ang lahat ng nangyari sa amin.
Hindi tulad noon, ngayon ay isa lamang simpleng celebration. Mga malalapit na kaibigan at pamilya ang nandito.

Bakas sa mukha nila ang gulat sa nasaksihan. Agad namang napalitan ng saya ang mga mata nila.

"Happy anniversary, ma, pa." Saad ni Clarissa nang lumapit siya sa kanila at hinalikan ang bawat isa sa kanila. "Thank you, hija." Sagot ni mama.

Nakagraduate na siya sa kursong business administration sa New York at agad na lumipad pauwi dito sa pilipinas pagkatapos.

Sa susunod na buwan ay tutulungan niya akong magpatakbo ng kompanya.

"Happy anniversary, Tito, Tita." Bati naman ni Maddy sa kanila. Inabutan sila nito ng tig-iisa baso ng wine.
"Cheers!" Pinagdikit nila ang labi ng kani-kanilang baso.
Maddy was still my friend even though I cancelled off the wedding and she understood the reason now.

Lumapit rin si Nick sa kanila at binati at nakipagyakapan sa kanila.

Nandito rin ang pamilya ni Beth. Si nanay Lena, Benjamin at Bea.
Lumapit si nanay Lena para batiin sina mama.
"Happy anniversary sa inyong dalawa. Nakakainggit kayo, matatag pa rin ang pagsasama nyo. Eh kung nandito lang sana ang asawa ko eh, baka ganito rin kami."

Yinakap ni mama si Nay Lena.
Mukha namang nagulat ito sa ginawa ng huli.
"I'm sure magiging ganito rin kayo, kung nandito lang siya. I'm sorry for your loss, Lena."

"Oo naman, mahal na mahal ako nun eh. At saka okay lang matagal na yun. Happy anniversary uli sa inyo."

"Thank you Lena. And I'm sorry for everything."
Saad ni mama.

Kinuha ni Nay Lena ang kamay ni mama. "Kalimutan na natin yun, nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa pa kundi ang matuto sa nagawa natin sa nakaraan."
Sagot ni Nay Lena. Muli naman siyang niyakap ni mama.

"Thank you, Lena. Thank you."
Alam kong nagkakamabutihan uli sila.

Si Benji at Bea naman ay kasama ni Clarissa.

Masaya ako na hindi nakalimutan ni Clarissa ang mga kapatid ni Beth, lalo na si Bea. Mukhang hanggang ngayon ay magkasundo pa rin sila.

"Happy anniversary ma, pa." Bati ko sa kanila.
Yinakap ko si papa at hinalikan sa pisngi si mama.
"I'm sorry anak. I'm very sorry sa lahat."
Saad nito saka hinaplos ang mukha ko.

Ngumiti ako sa kanya para idaan na okay lang.
"Matagal na yun, ma. Let's forget about it and move on. Ang mahalaga ay ang ngayon, tayo." Malungkot itong ngumiti sa akin.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon