Chapter 29

9.4K 161 14
                                    

Hi guys thank you sa lahat, thank you at nagustuhan nyo ang mga ud ko, its very inspiring to see and read your positive feedbacks about this story, nakakataba ng puso at nakakainspire. Thank you po..:)


Not edited.

Bumalik ang sakit na nararamdaman ko noong nasaksihan ko ang pag-anunsyo ng pagiging mag fiance nina Clark at Maddy. Muling bumalik ang lahat ng sakit at kirot na matagal kong pilit na binabaon sa limot. Pero ngayon mas domoble pa ito.

Kung bumalik si Nick paniguradong bumalik na rin ang babaeng ipanapareha kay Clark.

Kung noon wala lang sa akin kapag nandyan si Maddy dahil alam kong ako ang mahal ni Clark at sya ay isang kaibigan lamang, pero ngayon ay hindi na, iba na ang sitwasyon namin, mas lamang ngayon si Maddy kaysa sa akin dahil kung noon ay kaibigan ang turing sa kanya ni Clark, ako naman ngayon ay isang estranghero lamang.

Tulad ng sabi ni Maddy ay ibinigay ko ang tawag kay Clark, pero bago niya tanggapin ang tawag ay nag aalangan pa ito dahil sinabi nya sa akin na huwag syang iistorbohin kapag hindi importanteng bagay, but when I told him the name of the caller, he immediately let in the call in his line.

Kahit ayaw kong maramdaman ang sakit ay hindi ko pa rin mai
wasan ang masaktan, masasaktan at masasaktan pa rin ako dahil mahal ko sya, mahal na mahal.

Pero sa sitwasyon namin ngayon iba na ang mahal nya, iba na binibigyan nya ng attensyion, at iba na ang pinag aaksayahan nya ng oras at hindi ako yun. Hindi na ako.

Ilang sandali ang lumipas nang ibigay ko ang tawag ni Maddy kay Clark ay biglang tumawag ang huli.

"Yes sir? May kailangan po kayo?". I tried to speak in formal but I think I failed, pumiyok ang boses ko sa huling salita.

"Yes, book a table for two at La cuizine for dinner, 8 o'clock." He said in a strong voice.

"Copy sir."

"And buy a bouquet of roses and send them to Maddy." After that he dropped the call.

That was it, I am a stranger to him now, kakausapin nya lang ako kapag may kinalaman sa trabaho o kapag may ipag-uutos sa akin. Hindi nya ako kakausapin kapag hindi work related.

Siguro kung maglalagay ako ng status tungkol sa amin ang tamang salita na nababagay ay 'employer-employee relationship'. Its just a plain a secretary- boss relationship, nothing more nothing less.

Sanay na akong mag book ng isang restaurant para kay Clark at sa mga kameeting nito, pero ngayon ang bigat sa dibdib ng gagawin ko, masakit lang isipin na ang taong mahal mo ay magpapahanda ng isang dinner date para sa ibang babae.

Para lang akong may sugat na hinahayaang budburan ng asin para lalong sumakit o humapdi.

Gaya ng utos nya, bumili ako ng bulaklak through phone at pinadeliver kay Maddy.

At nang magawa ko ang lahat ng pinapagawa nya, iginugol ko ang aking sarili sa trabaho, ayaw ko munang isipin sina Clark at Maddy.

Araw araw laging may unexpected visitor si Clark, may mga pumupunta ng walang appointment sa kanya pero ngayon someone I never expected came in.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon