Chapter 6

11.3K 157 2
                                    

Beth PoV...

Sabado ngayon so it means kailangan ko na naman magdeliver ng mga gulay sa bahay ng mga villanclara. Naglalakad ako papunta sa mansyion at dala -dala ang basket na may lamang gulay.

Mabait kaya siya? ..siguro kasi base sa pinagsasabi ni manang ay mukha mabait naman.... baka suplado diba sabi ni manang ay walang siyang pinansin doon..baka isnabero...
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Haay! Palaka! ". Sa sobrang pag iisip ay muntik na akong madulas at mahalikan ang putik. Napahigpit na lamang ang kapit ko sa basket." Anu ba naman yan beth, sa sobrang ka eng -engan at pag iisip sa kani kanino ay muntik kanang madulas, alam mo umulan kagabi kaya maputik ngayon."pagalit kong turan sa sarili.

Dahil siguro sa sinasabi nating Climate Change ay bigla -bigla na lamang umulan ng walang pasabi.

Kung may makakita lang siguro ngayon sa 'kin baka sabihin nilang nasisiraan na ako ng bait dahil nagsasalita ako ng walang kasama o dahil pati sarili ko ay kinakausap ko.
Nagpalinga ako sa paligid upang makasigurong wala tao, mahirap na baka pagbalik ko sa amin ay nastismis na ako. Nang masigurong walang tao ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Malapit na ako sa mansyion ng biglang naramdaman ko ang malamig na bagay magmula sa bandang tiyan at pababa sa binti ko. At saka nakita kong dumaan ang isang sasakyan. Nang tingnan ko ang damit ko ay nakita kong may dumikit na kulay brown na bagay. At nang mapagtanto ko, ito pala ay putik na tumalsik sa 'kin dahil sa dumaan na sasakyan.

Anak ng...
Sinundan ko ng tingin ang sasakyan at nakita kong tumigil ito di kalayuan sa kinatatayuan ko. Susugurin ko sana ang sinumang ponsyo pilato na walang pakundangan na nagmaneho. Malapit na ako sa kotse ng bigla akong napatigil dahil bumaba mula rito ang taong kanina ko pa iniisip. Clark?..

Ang lakas na loob ko sana sa pagsugod rito ay biglang nawala na parang bula.
At kung naniniwala kayo sa slow motion gaya ng nasa TV ay totoo pala, dahil mula sa pagbaba sa kotse hanggang sa paglakad papunta sa 'kin ay talagang paunti unti ng galaw.
Wala akong ginawa kundi ang panoorin syang lumapit sa 'kin at kahit nasa harapan ko sya ay nanatili akong nakatayo na parang tuod. Tinignan ko ang kanyang mukha mula sa katamtamang kapal ng kilay, sa sa mga mata nitong kulay itim na kung titigan mo ay parang kang malulunod, sa ilong nito na parang nililok ng magaling na eskultor, sa panga nitong na parang tanging sa kanya lang inilaan dahil na eemphasized lamang ng kanyang kagandang lalaki, at sa kanyang labi na parang mas mapula pa kaysa sa akin.

I came back from my reverie when he snapped his finger in front of my face.

Shit ka beth..

"Are you okay miss? " he asked.

Aba naman tinanong pa, kita niya namang nabasa ako e magtatanong pa.

"Aba mister eh nagtanong pa kayo kita nyo naman na nabasa ako eh....teka.
...eto ah magpalit kaya tayo ng sitwasyon, kung ako ang nakasakay sa kotse mo tapos dumaan ako sa harap mo at dahil nagdidrive ako ng mabilis ay di kita nakita na kahit bagalan ko ang takbo ay di ko nagawa at dahil dun ay natalsikan ka ng putik at pagkatapos ay tatanungin kita kung okay ka lang, ano ang isasagot mo? " Sagot ko para pagtakpan ang pagkapahiya ko.
Di ko alam kung nanadya ba ito dahil habang nagsasalita ako ay mukha naaaliw pa yata.

"Okay to answer your question, I 'm not fine because I just got wet of mud and it is fault by the driver. " sagot niya habang pinipigil ang pag ngiti.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon