Chapter 1

37.5K 399 7
                                    


Plagiarism is a crime.
This story is not edited. There are typos, incorrect grammar, or sometimes misspelled words and  etc.
Please bear with those. Thank you.

-alebjo.













Beth PoV

"Ma alis na po ako." Sabi ko kay mama at saka lumabas ng bahay at pumara ng tricycle na maghahatid sa akin sa sakayan ng jeep. Hindi ko na hinintay pang sumagot si mama dahil sigurado akong pipigilan niya lang ako sa pag alis, kasi paano ba naman uminom lang ako ng kape at hindi na nag breakfast.

Nang makarating sa sakayan ng ay bumaba na ako ng tricycle at nagbayad kay manong.

Mabuti nalang at malapit nang mapuno ang jeep ng dumating ako nang sa ganoon ay hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal.

Habang naghihintay na mapuno ay tiningan ko ang aking relo at fifteen minutes minutes na lang ay siguradong late na ako.

Paano ba naman madaling araw na akong nakatulog sa pag-iisip tungkol sa kompanya na pinag tatrabahuan ko at apat na oras lang ata yung itinulog ko.

Hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin ko kapag tuluyan nang ibenta ni sir Reyes ang kompanya, siguradong mahihirapan akong mag hanap ng trabaho.
Hindi pa naman ako nakapagtapos ng college kaya siguradong mahaba habang ikutan at hanapan na naman ng trabaho. Suwerte ko lang na tinanggap ako ni sir kahit di ako nakapagtapos basta masipag at dedicated lang magtrabaho. Nakita niya naman na may potensyal ako kaya ayun tinanggap niya ako.

Tatlong taon na akong nagtratrabaho bilang secretary ni Sir Reyes na siya namang CEO at may may ari ng pinagtrabahuan ko which is ang Reyes Corporation.

Mabait na boss si sir reyes, parang tatay na nga ang turing ko sa kanya at parang anak ang turing niya sa akin. Im lucky to have him as my boss. Nagkukwentuhan kami ng mga problema at daing namin sa buhay, kaya nung isang araw ay naikwento niya rin ang tungkol sa pagkalugi at pagbenta niya ng kompanya.

Hindi ko namalayan na umaandar na pala ang jeep na sinasakyan ko.
Nakarating ako sa opisina nang walang aberya. Tiningnan ko ang relo at 8:55 pa lang.

Peww muntikan na.

Pagdating ko ay binati ko ang mga nakasulubong na kapwa ko empleyado.

"Good morning kuya ". Bati ko kay manong guard.

"Good morning din maam ". Sagot naman niya.

"Si kuya talaga, sabing beth na lang ang itawag sa'kin eh ". Sabi ko kay manong na napakamot na lamang sa ulo.

"O sige maa-ay este beth ". Nahihiyang sagot niya. Matagal ko nang sinasabi sa kanya na tawagin ako sa pangalan ko pero awat paawat eh, hindi kasi ako sanay na tawaging maam, pareho lang naman kaming empleyado dito.

"O ayan e di mas maganda, sige kuya mauna na ako." Sabi ko sa kanya at ngumiti sa kanya.

Pinindot ko button ng elevator at hinintay na bumukas.

"Good morning beth." Bati sa'kin ng isang boses at paglingon ko ang nakangiting si Lucas ang bumungad sa akin.

"Good morming lucas." Sagot ko.
I heard a ding at bumukas ang elevator, pumasok kami at pipindutin ko sana ang button peto inunahan ako ni lucas.

"Let me  beth, seventh floor right?". Tanong niya.

"Yep, thanks ." Sagot ko.

"Wala yun basta para sayo." Hirit pa niya.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon