Chapter 48

5.5K 97 2
                                    

Not Edited.


Hindi ko mapigilan ang paglaglag ng aking mga luha. Masyadong napuno ng saya ang puso ko. Matagal ko nang inaasam na kami ang magkatuluyan hanggang sa huli ni Clark at dahil sa kanyang tanong ngayon ay hindi ko mapigilan isipin na sa wakas... sa wakas ay matutupad na rin.

"Y-yes, Papakasalan kita." Nanginginig kong saad. Sobrang-sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Kinuha niya sa kahita ang singsing at isinuot sa palasingsingan ko. Ramdam ko ang panginging ng kanyang kamay habang ginagawa yun. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko dahil sa saya. At kahit na malabo ang paningin ko dahil sa mga luha ay naaninag ko pa rin ang kanyang masayang mukha, may mga luha ring pumapatak sa kanyang mga mata. Mula sa pagkakaluhod ay agad itong tumayo para yakapin ako ng mahigpit. Siniil niya ako ng isang malalim at puno ng pagmamahal na halik na agad ko namang tinugon.

"I love you sweetheart, I love you." Saad niya at muling sinakop ang mga labi ko.

"Mahal din kita Clark, mahal na mahal."




Tumigil sa pagmamaneho si Clark nang makitang naka red light na. Galing kami sa isang panananghalian at ihahatid niya ako sa shop ko. Pagkapatos nun ay babalik sya sa opisina niya dahil sa dami ng kanyang aasikasuhin.

Napatingin ako sa isang bagay na nakasuot sa isang daliri ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang inaalala ang gabing nagpropose siya sa akin. Akala ko hindi ko na makakamit ang kaligayahan ko. Engaged na kami.

Kinuha at pinagsaklop niya ang mga daliri namin habang nakahimpil kami at naghihintay na mag green light.

"Sweetheart?.." Saad niya.

"Hmmm..."Ani ko.

"Mom and Dad are coming back." Parang biglang nanigas ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang kanyang sinabi. Nanlamig ako at biglang nagflash back ang mga nangyari noon sa akin.

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"We'll tell them about us, about our engagement." Sasabihin namin sa kanila? Papaano kapag tututol sila. Alam kong tututol sila. Noon nga na sinabi namin sa kanila na magkasintahan kami ay malaki na ang pagtututol nila. Ginawa nila ang-niya ang lahat para lamang magkahiwalay kami ngayon pa kaya na engaged na kami.

"Papano kapag ay-"

"Shhh. I know what you're thinking and it doesn't matter to me kung papayag sila o hindi. It's better if they give us their blessing but kung hindi sila papayag it doesn't matter to me. You are only matters to me, nothing else in this world." Salita galing sa kanya ang nagpapaalis ng mga pag-aalinlangan ko, mula noon hanggang ngayon. Isang salita lang sa galing kanya tanggal ang mga bumabagabag at lahat ng iniisip ko. Isang salita lang galing sa kanya kakayanin ko ang lahat ng mga nakaharang sa amin.




Inilagay ko ang isang malaking paketeng ng gatas sa grocery cart na tulak-tulak ko. Kumuha rin ako ng gatas para kay nanay, kumuha rin ako karne ng baboy at manok at ibang pangangailan namin sa bahay para sa isang buwan.

Nang makompleto ko na ang aking pinamili ay pumila na ako sa cashier. Habang pumipila, hindi ko maiwasan na isipin ang buhay namin noon habang nasa probinsya pa kami. Kung noon ay minsan lang kami makakain ng mga maasarap na ulam. Bilang lang sa amin mga daliri ang araw na kumakain kami ng masasarap na mga pagkain. Madalas kasi ay gulay mula sa maliit naming gulayan ang aming ulam. O kaya minsan kapag kaarawan lang namin ay makakain kami ng paborito naming ulam o pagkain.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon