Chapter 52

5.5K 114 6
                                    

Not edited.

Clark

Agad kong kinontak ang mga taong kinuha ko sa pagtulong sa paghahanap kay Beth, kasama na ang grupo ni Joseph.

Sinabi ko sa kanila ang lugar na pinagdalhan ni mama kay Beth. Wala kaming sinayang na oras at agad na pinuntahan ang lugar. Sinama ko si mama. Hindi pwedeng hindi sya kasama dahil baka gawa-gawa niya lang ang lugar na sinabi niya sa akin.

Masakit sa akin na pagdudahan ang sarili kong ina pero sa mga oras na ito, kailangan mulat ako mula sa kanya.

Hindi malayo na lokohin niya ako, dahil mas kaya nitong gumawa ng mas mabigat na kasalanan.

Halos trenta minutos na ang biyahe namin at wala kaming imikan habang binabagtas namin ang daan patungo kay Beth. Kaba at takot ang tanging nararamdaman ko ngayon.

Sana lang talaga, walang ginawang masama ang inutusan ni mama sa kanya.

"Sir, malapit na tayo." Imporma sa akin ni Joseph. Kasama namin sa sasakyan ay ang dalawang agent ng AKG.

Sa isa sa mga properties namin na hindi pa ginagalaw ang pinagdalhan niya kay Beth.

Hinarap ko si mama.
"Stay here and don't you ever think to escape." Hindi na ako umasa na sasagot sya. May inutusan naman ako na magbabantay sa kanya kapag papasok na kami sa loob.

Humugot ako ng hininga bago ako lumabas ng sasakyan.

"For your safety purposes, sir." Saad ng isang AKG agent at tinanggap ang baril na ibinigay sa akin at ibinulsa.

"Sir, manatili kayong nasa likod namin para sa inyong proteksyon." Saad naman ng isa.

Tumango ako bilang sagot. Nasa likod ko naman ang grupo ni Joseph.

Puwesto ang grupo sa kanya-kanyang lugar para maghanda. Hawak-hawak nila ang kani-kanilang mga baril. Ang bawat isa, kabilang ako ay may suot na bullet proof vest.

Sumensya ang pinakalider sa kanyang team na syang nasa unahan ko para pumasok sa loob.

May ilang tauhan ang mabilis na sumunod at may ilan ang nanatili sa kani-kanilang pwesto.

Habang papalapit sa warehouse, palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Natatakot ako sa maari kong madatnan kapag nasa loob na ako.

Sumensya uli ang pinakalider sa isa niyang kasamahan. Tumango ito bilang tugon. Pumunta ito sa unahan at sinira ang lock ng bakal na pinto.

Pumasok sa loob ang nagbukas ng pinto at sumunod kami.

Madilim ang paligid. Halatang walang tumatao dito.

Pero hindi hadlang ang kadiliman para hindi ituloy ang operation dahil sa kanya-kanya flashlight o kung anuman man iyon na nakakabit sa baril.

Agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin ang kinaroroonan ni Beth. Ang ilan sa team ay kumalat sa buong warehouse para hanapin ang mga taong dumukot kay Beth at siya mismo.

Bawat sulok ay pinuntahan. Bawat bagay na pwedeng pagtaguan ay hindi pinalampas. Pero nakalipas ang mahigit sampung minuto ay walang nakita kahit anino ng pinaghahanap. Kahit bagay na pwedeng magturo o magsabi sa amin na maaring nandito o dumito sila ay wala.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon