Chapter 7

10.2K 231 6
                                    

Beth PoV...

Pumunta na ako ng banyo at nagpalit ng damit. I took off my dirty shirt at pinalitan ng damit na binigay sa 'kin ni Clark. Di ko alam kung nag paalam siya sa kapatid nito bago ibigay sa akin. Nang maayos kung naisuot ay tiningnan ko ang repleksyion ko sa salamin.

Parang nanibago ako sa itsura ko ngayon, parang mas naging babae ang pakiramdam ko. Pero feeling ko ay parang maluwang na hindi, baka siguro 'y dahil sa hindi ito pantalon kaya pakiramdam ko parang akong naeexpose.
Umalis na ako sa harap ng salamin at tinupi ang mga madumi kong damit.

Sasabihin ko kay Clark mamaya na ibabalik ko ang damit ng kapatid pagbalik ko sa lunes.

Paglabas ko ay nakita ko si manang na kinuha ang mga gulay sa basket. Nagulat pa siya ng makita ako.

"Beth?"
Tango lang yung sagot.

"Eh nadumihan ho kasi yung damit ko papunta rito kaya pinahiram muna ako ni Clark."

"Si Clark? E bakit ba anong nangyari? " tanong niya habang inisikaso yung mga gulay.

"Na-- "

"Natalsikan ko ho siya ng putik, pero di ko naman ho sinasadya." Napatigil ako sa sasabihin ko ng biglang sumagot si Clark. Nandyan siya nakatayo sa bukana ng kusina. May kung ano sa mga mata niya na di ko mawari habang nakatingin sa 'kin. Umiwas ako ng tingin dahil mahihiya ako, baka kasi di bagay sa 'kim ang damit ng kapatid niya.

"Bagay pala sa'yo ang mga ganyang damit, lalo kang gumanda iha. "Sabi ni manang.

"Si manang talaga nambola pa." Sagot ko.

"Anong bola, hindi ka ba naniwala sa 'kin? Tanungin kaya natin si Señorito, ano sa tingin nyo señorito bagay ho ba sa kanya? ."baling ni manang kay Clark.

"Yes, it fits her very well." Sagot habang nakatingin sa'kin. At dahil dun ay siguradong namumula na ang mga pisngi ko. At saka feeling ko bagay nga sa 'kin dahil siya ang nagsabi na bagay sa 'kin di tulad ng kay manang, nung sinabi niyang bagay sa 'kin ay parang wala lang, pero nung si Clark na ang nagsabi ay ewan ko ang ganda sa pakiramdam.

"O my!, o my!, o my god is that my dress?! ."

Nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita. Nang nag angat ako ng tingin ay nakita kong nakatayo sa tabi ni Clark yung kapatid niya. Si Clarissa.

Hala! Baka hindi nagpaalam si Clark sa kanya. Patay! .

"Ah oo señora sa inyo ho ito. Pero ibabalik ko naman sa lunes pagbalik k--"naputol ang dapat na sasabihin ko ng nagsalita sya ulit.

"Silly, stop, kuya asked my permission to gave it to you. That 's yours. Keep it. I just amazed because it fits to you perfectly than to me. "
Saad ni Clarissa habang nakangiti sa 'kin. Nginitian ko rin siya. Mas lalo namang pumula yung pisngi dahil sa sinabi niya.

"Salamat ho señora."

"Ah-ah-ah, cut the señora thing, just call me Clarissa okay, para naman ako matanda niyan." Tumango ako bilang sagot ko. Tama nga si manang mamabait ang mga anak nina señorita Alicia tulad nilang mag asawa.

"You must be Ate Beth, right?" Tanong ni Clarissa sa 'kin.

"Ah oo ako nga, ako yung nagdadala ng mga gulay sa inyo."sagot ko.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon