Chapter 13

8.1K 125 4
                                    

Beth PoV....




Bumili muna kami ng iilang makain sa commercial store bago namin tinungo ang Sinaw Falls.



May isang oras din namin nilakbay bago marating ito.
Pagdating namin ay ipinarada ni Clark ang sasakyan at kinuha ang mga gamit kabilang na dito ang binili naming mga chichiria at isang basket na kanilang dinala.


Hindi pa gaanong kilala ang Sinaw falls sa pilipinas maliban sa mga taga rito na dinadayo dahil talagang malinis at malinaw ang tubig.
Nagmula ang pangalan ng Sinaw falls na 'Sinaw' sa malinaw.



Tulad ng sa beach ay may cottege rin dito. Ang Sinaw falls ay public property na kahit public ay may bayad na twenty pesos ang bawat cottage pero libre naman ang entrance. Kaya lang naman may bayad ang cottage ay dahil para may allownce na igaggasto sa mga pag mamaintain ng buong Sinaw falls.


May iilan ng naliligo at may tumatambay sa cottage.


Pumunta kami sa isang kubo kung saan ito ang information area para sa gustong kumuha ng cottage.


"Hi ate, anong cottage po ang available? " tanong ko. Ngumiti muna si ate bago sumagot.



"Magandang araw sa inyo, cottage number 5 hanggang sa 8 ang bakante, kayo nalang ang pumili kung alin sa mga iyan ang gusto nyong rentahan."





Tinanong ko sila kung ano ang gusto nilang kunin.



"Kahit ano, pwde na yung number 8 para kahit papaano ay wala tayong katabing cottage." Sagot ni Clark.


"I agree with you kuya, para kahit papaano ay tayo-tayo lang." Pagsunod ni Clarissa.



Bumaling ako kay ate at sinabing number 8 ang kukunin namin. Nang mabayaran si ate ay tinungo namin ang cottage namin at inilapag ang aming dala.


"Ate, it 's so beautiful here, the water is soo clear, I can 't wait to swim whole day." Saad ni Clarissa habang inilibot ang paningin.




"Gusto nyo na bang maligo o kumain muna.?" Tanong ko sa kanila.



"We eat first, it's already lunch time." Sagot ni Clark habang binubuksan ang basket.





Naglabas ito ng kanin, mga ulam na adobong baboy, caldereta, pritong isda at manok, vegetable salad at leche plan.




Naglabas din ito ng pinggan at kutsara at tinidor. Mukhang pinaghandaan niya ang lakad na 'to ah.


"Ba 't ang dami naman?" Tanong ko.


"Hay ate, kuya asked manang to cook for this day. He was so anxious of what to bring today." Sabat ni Clarissa habang may kinakalikot sa cellphone niya.


"Do you really have to say that?" Sabat ni Clark sa kapatid niya.


"Eh kasi kuya, you acted as if you were going to have a date with ate Beth. And the way you bothered manang yesterday??as if--".


"Issa?!"pinandilatan ni clark ang kapatid.
Napangiti na lang ako.


"Okay okay " itinaas pa niya ang dalawang kamay na nagsasabing suko na siya.



The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon