Chapter 4

12.4K 250 6
                                    

Kung sino man po ang nagbabasa ng story ko ay maraming maraming salamat po! ....sana po ipapagpatuloy nyo ang pagbabasa ng librong ito, muli po maraming salama...

-alebjo







Beth PoV



Paglabas ko ay nasa mesa na silang lahat.

"Umupo ka na rito anak."sabi ni mama.

Umupo ako sa tabi ni mama at nagsimula ng kumain. Sumandok ako ng kanin at cardelyo, ito yung priniritong isda na iginisa at nilagyan ng itlog. The best talagang magluto ni mama siguradong mapaparami na naman kami ng kain nito. Simpleng isda lang pero napapasarap niya.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami ng kung anu ano.

"Uy Benjamin kamusta naman yung pag-aaral mo? Na sabi sa 'kin ni Bea na may girlfriend ka na raw, totoo ba yun?". Sita ko sa kapatid kong lalaki.

"Naniwala ka naman sa asungot na to, ate ?"sagot niya sabay turo kay Bea.

"Anong asungot..E totoo naman ah, lagi ko pa nga kayong nakikita na magkasama eh."pahiwanag ni Bea.

"Benjamin diba, napag usapan na natin to,na hanggat hindi pa kayo nakapagtapos ng pag aaral ay wala munang girlfriend o boyfriend."sabi ko sa seryosong tono.

"Second college year ka na, hindi ba pwedeng maghintay ka uli ng dalawang taon bago pumasok sa ganoong bagay.? Alam mo naman ang sitwasyon natin diba? Naiintidihan mo ba ako?"sabi ko sa kanya at hinintay na sumagot. Alam kong totoo ang sumbong ni Bea dahil hindi siya makatignin ng diretso sa'kin.

"Benjamin???"sabi ko ng hindi pa rin siya sumagot.

"Benjamin??".

"Naiintindihan ko naman ate eh, pero..."

"Pero???..."

"Pero hindi ko naman siya girlfriend ate, nanliligaw pa lang ako sa kanya."sagot niya.

"O yun naman pala, nililigawan mo palang ibig sabihin pwedeng hindi mo na ituloy ang panliligaw mo sa kanya."sabi ko sa kanya at tumango siya bilang pag sang-ayon.

"Good, at ikaw rin Bea bawal ka munang magkaboyfriend o magkaroon man ng manliligaw. Malinaw ba sa inyo yun?

"Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos kayo para matulungan nyo kami mama. Alam nyo naman kung gaano kahirap ang buhay ngayon, kaya sana huwag nyo kaming bibiguin ni nanay, maliwanag ba inyo yan? "..

"Opo ate."sabay nilang sagot.

"At saka wag ninyong pababayaan ang isa't isa. Nasa iisang paaralan lang kayo kaya dapat bantayan nyo ang isa't isa, malinaw?sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Opo ate."sabay nilang sagot.

"Good."

Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay bumalik kami sa pagkain.

Nakaenrol sa isang paaralan sina Bea at Benjamin. Si Bea ay nasa second year highschool na nasa highschool building habang si Benjamin ay nasa second year college na nasa college building.

Pagkatapos kong kamain ay bumalik na ako sa kwarto habang sila ay manonood pa raw ng TV. Nagpahinga ako saglit at natulog na.

Maaga akong nagising kinabukasan kaya hindi ko kailangang magmadali sa pagpasok ngayon.

Bumangon ako, naligo at nagbihis ng pang opisina. Paglabas ko ay tinulungan ko si mama sa paghanda ng agahan. Saktong paglabas ng dalawa na naka school uniform ay nakahain na sa mesa ang pagkain.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon