Chapter 40

8.7K 173 3
                                    

Hello po, totoong update na po ito. Sana magustuhan nyo.


Not edited.

Beth POV

Namulat ako nang may tumapik sa aking balikat. Mukha ni Clark ang namulatan ko. Nakatulog ako sa byahe dahil na rin sa kakaiyak.

"Beth wake up sweetie, we're here." Saad nya nang maimulat ko ang aking mga mata. Ang gwapong mukha nito ang bumungad sa akin. Ang matangos na ilong, makapal na kilay, mapupulang labi at ang makahuhumaling na mga mata nito ay hindi pa rin nagbabago. Mas lalo pa itong nahulma ng panahon.

"Let's go so we can eat, I'm hungry." Tumango ako at lumabas ng kotse. Sumunod ako sa kanya pero huminto ito, akala ko ay may babalikan siya sa kotse pero sa akin ito dumeritso at saka kinuha ang kamay ko. Agad akong napatingin sa magkahugpong naming mga kamay.
Sa tuwing magkadampi ang aming mga kamay o balat, ay laging parang may kuryenteng akong nararamdaman.

"Let's go?" Tumango ako at nagpahila sa kanya.

Ilang metro mula sa pinaradahan ng kotse ni Clark ay tanaw na ang isang malaking cottage. Makikitang dalawang palapag ito. Nagtuloy-tuloy kaming pumasok sa nasabing bahay. Ang loob nito ay gawa sa matitibay na kahoy, isang rustic ang desenyo ng bahay. Cozy ang ambiance nito. Ma-aathome at ma-athome ang sinumang papasok sa loob.

Hanggang sa pagpasok namin ay hindi pa rin nito binitawan ang kamay ko.

"Let's go to dinning room, our dinner is ready. Nagpahanda na ako kay aling Esther kanina while on our way." Saad niya at nagpatiuna.

Pagdating namin ay may nakahanda ng pagkain. Pinagplanuhan talaga nito ang pagpunta dito. Mula sa kung saan ay may lumabas na babae, may dala-dala itong mga plato.

"Oh iho, nandito na pala kayo, sandali lang at ihahanda ko na lamang ang mga ito." Saad ng babae. Ito siguro si Aling Esther na sinasabi nito. Inilapag nito ang mga hawak niyang pinggan sa mesa.
Nang matapos ay tumingin ito sa akin. Nagtagal ng ilang segundo ang tingin nya at kahit naiilang ay binigyan ko sya ng isang kiming ngiti. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ito bumitaw sa titig, kaya napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Clark.

Malamang ay nakuha ni Clark ang nais kong iparating sa kanya dahil sinaway nito ang babae.

"Aling Esther naman, wag nyo ngang tinatakot si Beth, baka mamaya ay tumakbo ito palayo sa akin at hindi na bumalik." Saway ni Clark kay aling Esther.

"Ah Beth this is aling Esther, sya ang nagtatao sa bahay kapag wala ako. And aling Esther sya po si Beth." Pagpapakilala nya sa amin.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon