Chapter 44

7.4K 128 3
                                    

Not edited.

Beth POV.

Napamulat ako nang naramdaman kong may nakatingin sa akin. Ilang beses ko pang ipinikit at binuksan ang aking mga mata para masigurado ako sa aking nakikita.

Si Clark.

Nakaunan ang kanan nitong kamay sa para suportahan ang ulo nito.

Agad itong ngumiti nang makitang gising ako.

"Good morning sweetheart."
Saad nito at saka ginawaran ako ng halik sa noo. Inipit din nito ang mga ligaw kong buhok sa likod ng aking tenga.
"You're beautiful, more beautiful in the morning."

Napangiti ako sa aking narinig.
"Good morning din. Malakas ka pala mambola kapag umaga." Saad ko at saka bumangon.
"Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko.

"Hindi naman. Sakto lang para matitigan ko ang maganda mong mukha bago ka magising." Saad nito sabay pakita ng kanyang ngiti.

Ako naman ay natawa dahil sa kanyang sinabi. "Ngayon ko lang talaga napatunayan na bolero ka kapag bagong gising."

"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin pero maganda talaga ang babaeng mahal ko."
Anito at saka bumangon rin.

Nalilis ang kumot nito nang bumangon siya at nakita kong  naka puting sando lang ito kaya kita ko ang lapad ng kanyang dibdib at ang kanyang katawan na resulta mula sa kanyang pag-gigym.
Bakat ang tiyan nitong may abs at ang mga mamasel nitong braso.

He looked so sexy in simple white sando.
"Like what you see, sweetheart?" Tanong nito na may panunudyo sa kanyang tinig.

Ramdam kong uminit ang pisngi ko.
Lumapit ito sa akin nang makitang namumula ako.

"You want to touch them, sweetheart? I wont mind." Tudyo nito saka kinuha ang kamay ko. Agad kong binaklas ang kamay kong hawak niya bago pa nito maidikit sa kanyang tiyan.
"Tumigil ka nga! Ang kulit mo pala pag bagong gisinggg ahh Clark! Ano ba!" Napatili na ako dahil biglang ako nitong dinagangan. Kinuha pa nito ang dalawa kong kamay at inipit ng kanyang kamay sa ulonan ko.

Napalunok ako dahil sa aming posisyon. Ramdam ko ang kakaibang bukol na tumutusok sa ibaba ng tiyan ko, at kahit hindi ko tingnan alam ko kung anong bagay ang tumutusok sa akin. At nang tingnan ko sya ganun nalang ang pagngisi nito. "You feel that sweetheart?"

Alam kong namumula ang mukha ko ngayon dahil ramdam kong nag-iinit ang mga pisngi ko.

At mas inilapit pa nito ang mukha niya sa akin. Heto na naman ang titig nito, lampas hanggang buto.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon