Chapter 2

14.4K 256 3
                                    

Beth PoV

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ni chelsea in our respective departments and resumed our works.

Habang naghihintay para sa susunod na meeting ni sir Reyes ay tinapos ko ang pag enencode na sinimulan ko kaninang umaga.
Kahit na itinuon ko ang aking pansin sa trabaho ko ay di ko maiwasang sumagi sa isip ko ang magiging ka meeting mamaya ni sir. Villanclara.

Villanclara

Ano bang ipinaka babahala mo beth, it's not him....sabi ng isip ko.

Tama beth, baka magkaapelyido lang sila kaya, hindi ka dapat mag alala.

Pero beth, di ba iilan lang ang may apelyidong villanclara, kaya hindi impossibleng siya ang villanclara na kilala mo..sagot ng isang bahagi ng isip ko...

Oo nga, iilan lang ang kay apelyedong villanclara, baka siya nga ito...

Ano ka ba beth, di ba nabalitaan mong umalis siya ng bansa, kaya imposimbleng siya yun, nasa pilipinas kaya tayo!haler??...

Tama.., tama, wala siya sa bansa kaya hindi siya yun.

Ai anu ba yan kinakausap ko na ang sarili ko, para naman akong timang nito. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo para bumalik sa huwesyo.

Mamaya - maya ay tumunog ang aking cellphone, kinuha ko ito at tiningnan ko sino ang tumatawag pero pagtingin ko alarm ko lang pala para sa pangalawang meeting ni sir sa araw na ito.

I turned my cellphone off and turned the intercom on.

"Excuse me sir, I just want to remind you that you have thirty minutes for the next meeting with Mr. Villanclara." Imporma ko sa kanya.

"Ok beth, just give a couple of minutes and we will stride off." Sagot ng nasa kabilang linya.

"Ok sir." Sagot ko.

Habang hinihintay na lumabas si sir ay dali-dali akong pumunta ng c.r at nag ayos. Naglagay ako ng lipstick at konting pulbo.

Habang tinitingnan ko ang sarili sa salamin ay di ko na naman maiwasang kabahan.

Ano ka ba beth, wag ka ngang oa jan. Hindi si clark ang makikita mo mamaya, kay relax lang ok?..pagalit kong sabi sa sarili.

Tama...relax beth, kaya inhale...exhale...

Nang medyo gumaan ang pakiramdam ko at nang makuntento sa mukha ko ay lumabas na ako at hinintay si sir.

Hindi nagtagal ay lumabas din siya.

"Lets go beth." Sabi niya. Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya.

Nang makarating kami sa labas ng kompanya ay nakita kong naghihintay si carl na siyang driver ni sir reyes. Ipinagbuksan niya ng pinto si sir at ako naman ay pumasok sa kabilang pinto.

Habang papunta kami, napansin ni sir na parang hindi ako mapakali.

"Are you okay beth, you look nervous." Tanong niya.

"I'm okay sir, don't mind me, its just a little headache."sagot ko sa kanya.

"Are you sure?pwede naman wag ka nang tumuloy, ako nalang ang haharap kay Mr. Villanclara." Saad niya.

"No..no sir, I can manage. Hindi naman po masyado mabigat ang ulo ko eh, kereng kere ko to sir. " sagot ko..

"Sigurado ka?basta kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang, huwag mong pilitin yung katawan mo baka mas lalong lumala." Saad niya. Na guilty naman ako sa pagsisinungaling ko nang makita ko ang pag alala sa kanyang mukha.
Tumango na lamang bilang pag sang-ayon.



Nang huminto yung kotse, ay nag sisibabaan na kami. At nang makita ko kung saan kami nakatungtung ay hindi ko maiwasang humanga.
Sobrang lawak ang labas, entrance palang ang gara na.
Yung building ay mataas at malaki. Masasabi mong bigtime talaga ang may-ari.

"Sir bigatin pala ng ka meeting nyo ngayon ah. "Sabi ko habang nakatanaw sa tuktok ng building na may nakalagay na: Villanclara Empire.

"Yes he is, he's one of the top businessmen in asia and now he's trying to enter the business world in US." Sagot niya na may paghanga sa boses.

Wow naman... yun lang ang masabi ko.

"Let's go beth, baka hinihintay na tayo ni Villanclara." Pag aanyaya ni sir, na siyang pagbalik ng huwesyo ko.
Tumango ako at sumunod sa kanya.

Nang makarating kami sa top floor which is 45th floor, yes 45th ay may nakita akong babae na nakatayo na halatang hinihintay kami.
Nang pagmasdan ko siya ay parang ayaw kong tumabi sa kanya. Kasi naman parang di bagay sa kanya ang maging secretary, mas bagay sa kanya ang maging model, ang ganda niya kasi tapos ang seksi pa.

"Good afternoon Mr. Reyes, I'm Jean and I'm Mr. Villanclara's secretary."bati sa amin ng babae.
Ngumiti naman si sir at bumati rin.

"Good afternoon jean and this is my secretary, Beth., Is Mr. Villanclara is there?" Sagot ni sir.

"Good afternoon beth." Bati niya sa akin

"Good afternoon jean."sagot ko kinamayan siya.

"Yes sir, he's already waiting for you at the conferrence room. Just follow me."sabi uli ni jean.

Pagdating namin ay kumatok muna si jean at saka binuksan ang pinto.

Pumasok kami at nagpasalamat sa kanya.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at masasabi kong may kamahalan ang bawat gamit mula sa upuan na leather black, sa mesa na silky black, sa projector, at sa tig tatlong paintings na nakasabit sa walls.

Nang dumantay ang paningin ko sa sa isang lalaki na nakatalikod habang may kausap sa cellphone ay bigla akong kinabahan.

Nakatingin ito sa labas ng building kung saan makikita sa galaw ng siyudad, mula sa buildings, billboards at sa mga sasakyan.

Nang maramdaman niya ang presensiya namin ay tumingin siya ng konti sa aming gawi. At nang matapos ang pag uusap sa cellphone ay tuluyan na siyang humarap sa amin.

At nang makita ko ang kanya mukha ay di ko maiwasang suminghap....


To be continued....




After

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon