Chapter 10

9.4K 119 2
                                    

Beth Pov....

Pasado ala - sais na ng gabi kami nakauwi ni Clark. Hinatid niya ako bago umuwi sa kanila.

Nang dumating kami sa bukid ay nandoon rin ang ilang magbubukid tulad namin para tingnan ang kanilang panamin. Nadaanan namin si mang berting na tumitingin sa kanyang lupa.

Nagrerenta lang kami ng lupa kay mang berting para matamnan ng mga gulay na siya naming ibenebenta sa palengke.

Maliban kay mang berting ay may iba pang nagpaparenta ng lupa dito sa amin. At isa na yung mga Villanclara. Sila ata ang may pinakamalaking lupa na pinaparentahan sa mga tagarito. Magkakatabi kami ng mga kapit- bahay namin sa mga lupa.

May nadaanan pa kami na bumabati at sa amin at may nagtatanong tungkol kay Clark. Dahil nga mag iisang linggo pa lang sila rito ay pa hindi pa nila nalibot ang lugar namin.

"Siya si Sir Clark anak nina señora Alicia at señorito Alfonso." Pagpakilala ko sa kanila kat Clark.

"Ah ganun ba, magandang hapon iho, 'buti napadaan ka rito." Sabi ng isang kasama namin.

"Magandang hapon rin ho, nagpasama lang ho rito kay Beth para malibot ang bukid." Sagot ni clark.

Pagkatapos nilang magkausap saglit ay umalis na kami at pinuntahan ang aming gulayan.

Pinakilala ko sa kanya ang mga gulay na itinatanim namin at ang mga gulay na laging kong inihatid sa kanila.
Mayroong kalabasa at ampalaya na magkatabi lamang, may talong, okra, latoy, mayroon ring papaya na nasa likuran nakatayo, mayroon na itong malilit na bunga at sa susunod na linggo ay pwede nang pitasin. May nakalaan rin na upa para sa mga kamote, saluyot at pechay. At may nakalaan rin na lupa para sa sayote,kamatis at sibuyas.

Hindi kalakihan ang lupa namin pero may nakalaan na ito sa iba't ibang gulay.

"Hindi kalakihan ang lupa pero puno ng iba't ibang uri ng gulay. Maganda sa mata ang ganitong uri na tanawin.....refreshing." nagpa ikot ikot pa siya sa mga tanim.

"Walang dudang sariwa at malulusog ang mga ito." Sabi niya habang bumaba para umupo sa sariling paa para matingnan ang nakahilerang tanim na kamatis.

"Inaalagaan namin kasi ng mabuti para masigurong magandang ang pagtubo ng mga ito." Naglalakd ako papunta sa likuran niya.

"Aside from a great cook but also with fresh vegetable will result to a delicious dish." Inilibot niya ang tingin sa iba pang gulay na nandito.

Nagpalipas pa kami ng ilang sandali bago magdesisyon na umuwi na pero bago pa kami tuluyang makaalis ay di pinaglapas ng iba naming kasamahan ang mag usisa tungkol sa amin.

"Iho nobya mo ba itong si Beth? " sabi ng isa.

"Kapag ganun ay maswerte ka dahil bukod sa mabait ay masipag at maalaga yan sa pamilya." Sabi pa ng isa.

"oo nga kaya di ka magsisi kapag siya ang magiging asawa mo." Sulsul pa uli ng isa.

Aba naman, di ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi nila. Bukod sa parang nilalakad nila ako ay parang nakikiosyoso sila sa amin.

Nakita lang nila na magkasama kami ay ibig sabihin kami na?, mag nobyo kami?..di ba pwedeng sinamahan ko lang sya.. di ba pwedeng magkaibigan lang....

Nginitian ko lang sila at nagpaalam.."sige ho aalis na kami."






...............

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon