Chapter 32

8.8K 151 11
                                    

Not edited..

Agad kong inimulat ang aking mga mata nang maglapat ang kanyang labi sa aking noo. Gusto kong makita sya. Pero pagmulat ko walang tao sa aking paligid.

Panaginip?!

O

Totoo?

Maliwanag na ang paligid sa aking pagmulat.

Agad kong itinaas ang kaliwa kong kamay para lang makita ito.  Kung panaginip lang iyon bakit parang naramdaman ko ang bakas ng kamay ni Clark. Dinama ko rin ang aking noo, at kung panaginip iyon, bakit parang nakamarka ang labi ni Clark sa noo ko?

Kung panaginip nga lamang ang mga iyon, mas mabuti pang manatili nalang akong tulog, ayaw ko nang magising pa at mas pipiliin ko na lamang na manatili at makulong sa isang karampot pero masayang sandali ng panaginip.

Nagliligpit na ako ng aking mga gamit nang bumukas ang pinto. Nagbigay na ng go signal ang doktor na pwede na akong madischarge. Nagbilin ito ng oral medicines at mga payo sa mga pagkain na hindi ko pwedeng kainin.

Iniluwa ng pinto si Nick na nakangiti.
"Hi, are you ready? We already paid the bill." Saad nito.

"Oo, patapos na ako sa pagliligpit. Salamat Nick ha, at pasensya na naabala ko pa kayo."

"Uh uh it's nothing compared to what I've done for being careless jerk, Beth, besides it's my fault why you are here, I'm guilty." Saad nito habang lumalapit sa harapan ko.

Mukhang hindi pa ito naka move on sa nagawa nito. Napailing na lang ako.

Napalingon kami sa pinto nang bumukas ito. Si Clark.
Agad na bumalik sa akin ang alaala na nangyari sa aking panaginip. Ang mainit nitong kamay na humaplos at nagkulong sa aking ring mga kamay at ang matamis nitong halik na hanggang ngayon ay aking pa ring nararamdaman.

Pero hindi ito nag-iisa, kasunod nito si Maddie. Naputol ang pag-iisip ko dahil sa paglitaw ni Maddie, parang ipinakita nito sa akin na hanggang panaginip na lamang ako. Na parang ipinapakita nito  na siya ang realidad ni Clark at ako ay hanggang pangarap na lamang.

At ngayon ay para akong nabatukan, dahil ang nangyari kagabi ay pawang wala ng saysay at isang panaginip lamang.

Pilit kong ibinaling ang tingin ko kay Nick para hindi ko makita ang dalawang bagay na nagpapasakit sa aking mga mata.

"My God kuya, hindi pa ba kayo tapos dyan?! We were waiting down there for too long." Bulalas ni Maddie ng makapasok ito ng tuluyan.

"Actually tapos na ako, paalis na nga sana kami." Sagot ko.

"Good let's go, I can't stay longer in this place, madaming bacteria dito huh. Let's go hon, mauna na tayo.".
Saad nito sabay baling kay Clark at hinila sa kamay nito.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon