Chapter 45

7.8K 137 12
                                    

Beth POV.

Not edited...

Hindi ko makita ang emosyon na
bumabalot kay Clark ngayon. Kumalas ako sa pagkakayap kay Nick para lapitan siya. Pero napahinto ako sa kalagitnaan nang hilahin ako ni Nick pabalik.

"Don't near him, Beth. He's dangerous." Matigas na saad nito. Naramdaman kong mas lumapit sa akin si Nick at kinabig ako sa dibdib nito.
Hindi ako mapakali sa posisyon namin, lalo na nang makitang kong kumuyom ang kamao ni Clark. Tumigas rin ang mukha nito.
Kaya dahan-dahan kong inaalis at inilayo ko ang sarili ko kay Nick.
Pero si Nick, pilit ako nilalayo kay Clark dahil itinago ako sa likod nito.

Hindi ko naman masisisi na ganito ang magiging reaksyon ni Nick kay Clark dahil alam nito ang ginawa at pinagdaanan ko kay Clark.

Nakita at nasaksihan nito kung paano ako bumagsak dahil kay Clark.

"What are you doing here? You have no business here, so you can get the hell out of here." Matigas na saad ni Nick. Sa tono nito, sa kahit anong paraan ay kailangang mapapaalis nito si Clark.

Sa sama ng titigan ng dalawa ay handang silang magbalyahan anumang oras.

Kailangan kong gumawa ng paraan bago pa mangyari yun.

"Nick i--"

"You are the one who have no business here. I came here for Beth so get your ass out of my way. And get your filthy hands off her." Sagot ni Clark. Nagtitimpi ito. Nakita ko na ang isang mabagsik na bahagi ni Clark. At alam kong anumang sandali ay aalpas na ang tinitimping galit nito.

Kaya pumagitna ako para mabaling sa akin ang pansin nila.

"Sandali la-."

"Beth get back here! You know how dangerous that person is. He can destroy you and he already did!" Saad nito sa akin at muling lumapit sa akin para hilahin ako.

Pero napahinto ako nang makita kong bumagsak sa sahig si Nick. Sapo nito ang kanyang panga.

Sinapak ni Clark si Nick! At muli nitong sinapak uli nang akmang babangon ang huli. Pero hindi nagpadaig si Nick. Sinipa nito si Clark, at nang makabawi kinulyuhan nito si Clark at sinapak rin.

"Don't you fucking touch Beth!" Nick.

"No, I should be the one telling you that. Don't you dare fucking touch my GIRLFRIEND!!" Sigaw ni Clark kay Nick at initsa ng suntok, napatras si Nick at nasagi nito ang mga display sa shop.

Jusko!

"Tumigil na kayo! Clark! Nick! Tama na." Pilit ko silang pinaglalayo dahil nagsusuntukan na silang dalawa. Nagsasagutan na sila ng kanilang kamao sa isa't -isa.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon