Chapter 9

9.6K 143 1
                                    

Beth PoV...

"O siya, di na mauulit yu ---teka sino to? Tanong ni papa habang nakaturo at nakatitig kay Clark.

Patay!

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Clark.

"Magandang tanghali po, ako po si Clark."
Pakikilala niya sa sarili. Inilahad pa niya ang kanyang palad at ngumiti.
Tinanggap naman ni papa ang pakikikamay niya.

"Clark ang pangalan mo iho?  Eh wala naman akong kakilalang Clark ah. Taga san ka ba? , kanino kang anak? , bakit ngayon ko lang kita nakita? at bakit ka nandito? " pagtatanong ni papa. Hindi ko alam kung ano ang itinira ni papa kung bakit nag ala NBI ito kung magtanong. Bago ako makasagot ay sumabat ang usisera kong kapatid.

"Kayo ho walang kakilala na Clark pero si ate mayroon. At saka nandito ho si kuya ay dahil kay ate." Daldal ni Bea. Binalingan ko si Bea para senyasan na itikom na niya ang kanyang bibig kung hindi ay makakatikim sya sa akin. Nang makuha ang mensahe ko ay ibinalik niya ang atensyon sa pinapanood niyang tv.

"Pa,hinay - hinay lang ang pagtanong. Anak ho nina Señorita Alicia si señorito Clark, at nandito ho sya ay dahil.....sa mga gulay,. Oho, dahil gusto niyang makita ang mga tinatanim nating gulay." Sabi ko kay papa. Ayaw ko namang sabihin na dahil nandito ang isang yan ay dahil aaktyat ng ligaw. Nahihiya kasi ako. Nang tingnan ko si Clark ay nakita kong nagpipigil ito na ngumiti. Parang alam ko na ang tinatakbo ng isip niya.

"Oho, nandito ho ako ay dahil gusto kong makita ang mga gulay." Sagot niya.

"Ano ang ibig mong sabihin? Na hindi maganda ang mga gulay namin? ,hindi ka ba naniniwala na puro sariwa ang mga ito?  ." Tanong ni papa.
Alam kong hindi yun ang gustong iparating ni Clark pero iba ang pagkaka interpret ni papa.

"Hindi ho yun ang ibig kong sabihin. Ang sa akin lang ho ay gusto kong makita kung saan nanggagaling ang mga gulay kung paano inilalagaan ang mga ito, yun mga ganun ho. At gusto ko rin naman malaman kung tama ba ang ibinabayad ni mama sa inyo. "  sabi niya.

"Ah ganun ba,...wag ho kayong mag alala nasisigurado kong sariwa ang mga gulay namin. At sa bayad naman ho, eh sobra-sobra pa nga ho ang ibinabayd ng mama nyo." Sabi ni papa. At oras na yun ay parang nag iba ang tono ni papa."at kung gusto nyo ho ay pumunta kayo sa bukid, pasasama kayo kay Beth." Prisinta ni papa.

"That would be great, sige ho pupunta ako doon at para na rin malanghap ako ng sariwang hangin ,at yun ho ay payag itong si Beth na samahan ako." Sabi ni Clark. Bumaling sa 'kin si papa at nagsalita.

"O anak, ano pwede mo bang samahan itong bisita natin sa bukid at parang naman makakita rin ng puro luntian ang paligid."

"Pwede naman ho, kailan ba yun? " tanong ko.

"Kung kailan ka available." Sagot ni Clark.

"Pwede mamaya, wala na rin naman akong gagawin eh." Hindi naman ako atat sa pagsama sa kanya, pero kasi diba mapapasama sila bukas sa 'kin sa pagtour na lugar namin tapos may klase na ako pagka next day, kaya mamaya nalang yung available.

"Ok then, mamaya."

Bago pa humaba ang usapan ay niyaya ko na silang kumain. Siguradong gutom na ang mga ito, lalo na si papa.

"Ah sir sige,  kakain na muna kami, eh kung gusto mo ay sumabay na kayo sa amin. Kaya lang ay pagpapasensyahan nyo na lang ang ulam namin." Pag anyaya ni papa kay Clark.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon