Chapter 22

8.6K 147 14
                                    


Not edited.....


Nanininig ang katawan ko habang hinihintay kong may magbukas ng gate ng bahay ng mga Villanclara. Ilang beses akong nag doorbell at ilang beses ring napa buntong hininga.

Kinakabahan talaga ako, pero wala na akong mahingian ng tulong.

Ilang sandali pa ay nakita kong may lumabas para pagbuksan ang gate.

Nakita kong papalapit si mang Mildred. Agad akong napangiti nang makita ko ang tinuturi kong pangalawang ina sa bahay na 'to.

"Hija!, kamusta na? ba't nandito ka? Kung hinahanap mo si señorito clark ay wala siya rito hija." Bati niya sa akin.

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang kanyang sinabi.

Si Clark wala na??...
Sa tatlong buwan o mahigit ngayon lang nag sink in sa isip ko na wala na talaga si Clark.

Wala na..iniwanan na niya ako ng walang paalam.

Pilit kong pinipigilan na huwag bumigay ang katawan ko sa panginginig. Humigpit ang kapit ko sa maliit na bakal sa gate.

"Ah- -a ganun po ba..h-hindi naman siya ang ipinunta ko rito nay Mildred." Kailangan kong maging matatag lalo pa't wala na ang taong nagpapalakas sa akin. Iniwan na niya ako.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon