Chapter 54

5.2K 79 3
                                    

Not edited.

Beth.

"Pero bago yun, gusto kong makita mo ang gagawin ko sa girlfriend mo."
Pagkatapos niyang sabihin yun, tinanggal niya ang aking piring sa mata. Napapikit ako dahil sa sinag ng ilaw na tumama sa mga paningin ko. Pinikit-pikit ko ang aking mga mata para mag-adjust sa liwanag.

Inilibot ko ang aking paningin at hinanap agad si Clark sa paligid nang umayos ang aking paningin.

Nakita kong pilit niyang winawaksi ang mga braso mula sa hawak ng dalawang lalaki sa magkabilaan habang pilit na tinatali siya ng mga ito.

"Clark! Clark!" Saad ko habang nakikita syang lumalaban sa taling iginapos sa kanya.

"Beth! Beth! Listen to me sweetheart, listen to me. Everything will be okay, okay? Trust me. Everything of it will end, okay?" Pilit niyang pinapagaan ang kalooban ko sa sitwasyon namin. At dahil doon, tumango ako kasabay na pinanghahawakan na magiging okay din ang lahat. Gusto kong umasa dahil yun lamang ang magagawa ko.

"Damn you!! If you want to play, play fair then! Hindi yung umaasa ka sa mga bata mo para magtrabaho sayo! Pakawalan mo ako at labanan!"

Tumawa uli ito ng nakakaloko."Yan ang gusto ko. Ang parang aso kang nagwawala. Matagal kong panahon ang hinangad na makita kang parang walang kakayahang lumaban! At sobrang saya sa pakiramdam."
Saad nito at lumalapit kay Clark. Pagkatapos ang inumbagan niya ito sa suntok sa tiyan.

"Clark!"

Alam kong nasaktan si Clark sa ginawa ni Lucas pero hindi niya ito pinakita sa kaharap.

"Masakit?" Tuyang tanong ni Lucas.

Ngumisi lamang si Clark bilang sagot.

Muling sinuntok ni Lucas si Clark, pero ngayon hindi lang isang suntok. Kundi magkakasunod na suntok.

"Lucas tama na! Tama na!"
Mukhang walang narinig ito at walang awang pinagsusuntok si Clark. Hindi lang sa tumatama ang mga suntok nito sa tiyan kundi pati na rin sa mukha.

May mga putok na sa labi si Clark dahil dito. At hindi makalaban si Clark dahil sa nakatali ang kanyang mga kamay. Ang dalawang tauhan naman ni Lucas ay nakamasid lamang sa kanila.

"O ano? Masakit ba? O kulang pa?Hindi ka ba mag-mamakaawa na itigil ko na ito?"
Ani Lucas.

"Yun lang ba ang kaya mo? Hintayin mo kapag ako ang magbubugbog sayo dahil hindi lang ito ang aabutin mo. At hinding-hindi ako magmamakaawa sayo." Saad ni Clark.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon