Chapter 38

7.8K 144 6
                                    



Beth POV




Simula nang araw na yun. Araw-araw na akong nakatanggap ng mga bulaklak mula sa kanya.
At araw-araw rin ay may kalakip na note ito. Pero araw-araw ko rin itong binibigay kay Lyneth ang bawat bigay nito. Kahit nagtataka kung bakit ko binibigay sa kanya ang mga natanggap kong bulaklak ay abot langit pa rin ang ngiti nito sa pagtanggap.

At dahil sa mga natatanggap kong mga bulaklak, mas nagmukhang flower shop ang tindahan ko kaysa sa tindahan ng mga school supplies.

Ngayong gabi susunduin ako ni Nick para maghapunan sa labas.
We've been doing this every saturday night since the day he confessed.

Hinatid kami ng isang host sa pinareserved na table ni Nick. Agad kaming nag-order ng aming makakain.

Nang makaalis ang waiter ay hinawakan ni Nick ang kamay ko na nakapatong sa mesa.
Napatingin ako sa gulat.

"Sorry did I startle you?" Ngumiti lang ako sa tanong nya.

"Sorry about that. I just miss you, its been three days since I saw  and visited you. And this coming week I'll be busy again. I'll even fly to states to meet clients and investors and I'll  check also some of my business there. And I'm pretty sure I'll gonna miss you a lot. I just want to be with you in those stressful times. I wanna ask you if you want to come with me?" Saad nito habang nakahawak sa kamay ko. Natutuwa ang isip ko na may taong gustong makasama ako dahil sa kadahilanang malulumbay sya kapag hindi nya ako makakasama.
Pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay mabigat ang loob ko na sumama.

"So what, are you coming beth? Come with me please." Ungot nya uli. He looked so hopeful that I will come with him.

"I-I-I d-don't think so Nick, hindi ko kasi pwedeng iwan si mama, she's been sickly, though nandiyan ang mga kapatid ko hindi pa rin nila maaasikaso si mama ng maayos dahil nag-aaral sila. I hope you understand Nick."

I knew Nick for being understanding person, and I hoped he understood me. And he did when he nooded.

"Of course beth I understand, alagaan mong mabuti si tita, I'll just buy you gifts and souvenirs there." Saad nito, though he smiled, he smiled sadly.

Not after a minute our food had arrived. We dig in since we were both hungry.
While in the middle of our conversation, iginala ko ang aking paningin sa paligid, I did it a couple of times. I had this feeling that someone was watching us, that we were being watched, that I was being watched.

"Nick, may kakaiba ka bang nararamdaman?" Tanong ko sa kanya. He paused from eating and looked at me.

Nakiramdam muna sya bago nagsalita. "Parang wala naman, why, is there something wrong?"

I let out a sigh. "Wala naman, maybe it just me."

Then again I roamed my sight around pero natigil ang paningin ko sa isang sulok ng silid. May magkapareha na kumakain,pero mas nakuha ng lalaki ang atensyon ko, parang pamilyar sa akin ang tindig ng lalaking kaharap ng babae kahit na nakaupo pa ito. Nakasideview ang posisyon nito mula sa amin. Ang tindig ng likod at braso nito sa pamilyar sa akin.
Pilit kong inaninag ang mukha nito pero hindi ko makita dahil nakadim ang ilaw sa kanilang gawi.

Biglang kumabog ang puso ko sa aking nakita. Hindi ko alam kung nagmamalik mata lang ako pero iba ang tibok ng dibdib ko.
Muli kong itinuon aking atensyon pabalik sa mesa na iyon pero mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa pagkakataon na yon ay nakatingin sa akin ang lalaki.

Bigla kong nabitawan ang kutsarang hawak ko. Agad naman napatingin sa akin si Nick. "Hey, are you okay?"

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong ni Nick sa akin. Biglang nanghina ang mga tuhod ko, kaya kahit nakaupo ako ay kailangan kong kumapit sa mesa para kumuha ng lakas.

"Beth what happened, okay ka lang ba?"
Tumayo mula sa kinauupuan nito si Nick para lapitan ako.

"Answer me, okay ka lang ba? Shit! why are you shaking? Masama ba ang pakiramdam mo ha? Here drink this water." Saad nito tsaka kinuha ang tubig sa mesa.
Sinunod ko naman ang gusto nya, pero kahit hindi nya sabihin ay gagawin ko naman dahil kailangan kong uminom ng tubig para maiibsan ang anumang pagbabara ng aking lalamunan.

"Should we go home now? You're scaring me Beth. Maybe we should leave, I drive you home para makapagpahinga ka."
Pag-alalang saad ni Nick.
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Pero bago ako tumayo ay muli kong sinilip ang lalaki sa kinauupuan nito at ganun nalang ang aking pagtataka ng wala na ako makita ni kahit anino na naroon.

Nangyari ba talaga yon? Totoo ba talaga yon? May tao ba talaga doon? Siya ba talaga yon?

O baka pinaglalaruan lang ako ng aking mga mata at himahinasyon?

Hindi ko alam. Pero bakit ganoon na lamang kung tumibok ang puso ko nung makita ko ang lalaki?
Wala akong makuhang sagot kundi ang kutob ko lamang at ang paraan ng pagtibok ng aking dibdib.


Baka maaring siya yon. Baka maaring si Clark yon.


To be continued....

Vote. Comment. Share.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon