Chapter 11

8.3K 159 2
                                    

Beth Pov...

Nang makarating kami sa plaza ay di pa gaano karami ang mga tao. Siguro ay medyo maaga pa.

Naunang bumaba sina Bea at Clarissa at pumunta sa mga stalls na nakahilera.

Sumunod naman kami ni Clark sa kanila.

"Ate issa oh, tingnan mo ang ganda." Narinig kong sabi ni Bea kay Clarissa.

"Ohh my god!ang cute niya!uhhm ate magkano po ito.". Hindi ko na naring ang sagot ng tindera kay Clarissa dahil kinuha ni Clark ang kamay ko papunta sa isa sa mga stalls.
Puro mga accesories ang nakadisplay. May mga kwintas, singsing, mga bracelet at kung anu ano pa.

May isang native bracelet ang nakapukaw sa aking atensyon. Kinuha ko ito at sinuri. Gawa ito sa black nylon at may maliliit na mga beads na silver na paikot ang design na nakapalibot sa braclet at kung hindi ako nagkakamali ay infinity ang design na'to.

"Manang magkano ho ito?" Tanong ko kay manang. Tiningnan ni manang ang bracelet. May ginagawa ito.

"Bente singko lang iyan iha."

Kinapa ko ang bulsa ko at naglabas ng fifty pesos. Nagdala talaga ako ng pera para kung sakali na may magustuhan ako ay bibilhin ko. At talagang nagustuhan ko ang bracelet na 'to kasi simple lang, simple pero maganda.

Pero bago ko pa ibigay kay manang ang bayad ay may pumigil sa kamay ko.

"Ako na Beth." Pagtingin ko si Clark pala.

"Hindi na ako na." Pagpigil ko sa kanya. Twenty five pesos lang naman ito, kaya ko na itong bayaran.

"No Beth ako na. Ako ang lalaki kaya ako ang dapat magbayad."

"Ano ka ba, ako na at saka magkano lang naman ito, eto na po ate." Nakita kong palipat lipat ang tingin sa amin ni ate at saka ngumite.

"Kaya nga, magkano lang yan kaya ako na ang magbabayad."

"Hindi sabi ako na--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita si ate.

"Iha sige na, 'yang boyfriend mo na ang pagbayarin mo at saka dapat talaga lalaki ang nagbabayad kapag nagdedate ang mag nobyo."

Aba si ate. Napagkamalan pa kaming magnobyo.

"Ay ate nagkakamali po kayo di---". Naputol ang iba ko pang sasabihin nang biglang sumabat si Clark.

"Oo nga naman tama si ate, kaming lalaki ang dapat na nagbabayad para sa mga babae. Nakangiti siyang tumingin sa 'kin sabay kindat. Aba mukhang nagustuhan niya ang sinabi ni ate. Ibinigay na ni Clark ang bayad kay ate pero pinigilan ko bago niya tuluyang ibigay ito.

"Teka lang, papayag lang ako sa isang kondisyon."

Nakangiting napatingin siya sa 'kin at habang nakataas ang mga kilay.

"What is it then? " sagot niya.

"Papayag lang ako kung bibili ka rin tulad ng sa akin."

"That 's not a problem. Talagang bibili ako para magkapareho tayo." Tumango ako sa kanya.

"Good."

Kumuha si Clark ng bracelet na para sa kanya at ibinigay kay ate at nagbayad.

"Ah iho, iha gusto nyo bang lagyan ng pangalan ang mga bracet nyo? Sabi ni ate.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon