Chapter 47

5.7K 101 1
                                    

Not edited.

Beth POV..

Isinalin ko sa inihanda kong tupperware ang iniluto kong pork adobo. Hindi maalis-alis ang ngiti ako sa habang inihahanda ang lahat ng aking dadalhin para sa monthsary namin. Yes monthsary namin ngayon at excited na ako.

Sana magustuhan ni Clark ang inihanda ko lalo na at mga paborito nya ang mga iniluto ko.

"Ang bango naman niyan ate" Ani ni Bea.

"Mukhang masarap ate ah, patikim naman." Saad naman ni Benj.

Nandito sila para tingnan ang ginagawa ko.

"Mamaya na, dahil ipagtatabi ko kayo." Saad ko.

" Ang dami naman ng inihanda mo ate? Para saan ba yan?" Tanong ni Bea.

Napangiti ako sa tanong niya. "Secret.." Nanlumo sila sa sinagot ko.

Nakahanda na sa mesa ang mga iniluto ko. Nandito ako sa rooftop ng bacheclor pad ni Clark.

Handa na ako para sa dinner namin. Hindi kami nagkita kahapon dahil sa kabusihan nya sa opisina. Nag-uusap lang kami sa cellphone para kamustahin ang isa't-isa, kaya miss ko na sya.

Tinawagan ko ang kanyang number para kamustahin at alamin kung nasaan siya. Isang ring palang ay sinagot niya agad.

"Hello, asan ka na? Malapit ka na ba?" Tanong ko.

" Hi sweetheart, yes I'm on my way. I miss you."

"I miss you too." Sagot ko. Napangiti ako sa aking narinig.

" I love you." Saad niya.

" I love you too. Ingat ka sa pagdidrive ha. See you later. Bye." Matapos kong sabihin yun ay tinapos rin niya ang tawag.

Iginala ko ang ang aking paningin sa paligid. Nagliwanag na parang mga bituin ang mga LED lights na isinabit ko sa paligid. May mga hanging plants rin na naroon. Ang mesang pinagpatungan ng mga pagkain namin ay parang isang tulad ng sa korean o japanesse style, kaya may mga unan na nakalatag sa paligid na nilagyan ko ng carpet.

It's been a while to celebrate like this, pero ngayon lang uli kami nag dinner na parang gaya ng dati. I missed this, I really did.

Ilang araw rin ang nakalipas mula nang mangyari ang pagsabog ng kotse ni Clark. Hindi ko alam kung aksidente ba ang nangyari o hindi. Natatakot ako para sa kanya. Pero may pakiramdam ako na may kinalaman ito sa nangyayari sa kanyang trabaho sa kasalukuyan.

Sana naman ay makonsensya ang gumawa nito at sana talaga ay aksidente lang ang nangyari.

Napapiksi ako nang maramdaman kong may kung ano na dumampi sa pisngi ko.

Paglingon ko, it was Clark. Smilling ear to ear.

"Hello sweetheart, ang lalim ng iniisip mo ha. Tell me, what was it?" Ani niya at iniabot ang isang bugkos ng bulaklak. At saka umupo sa harap ko. Napabuntong hininga ako. Pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. Seemed that he knew what I was going to tell to him.

"If it is about the incident happened about my car, you don't have to worry. Ipinaimbestigahan ko na ang nangyari and I am only waiting for the result." Saad niya at saka hinawakan ang kamay ko.

"Nag-aalala lang ako. P-papano kung sinadya yun? Papano kung may kasunod pa? Papano kung mas grabe pa ang susunod? Papano kung may mangyaring masama na sa iyo sa pagkakataong yun? Papan-."

"Calm down sweetheart. Walang mangyayaring masama sa akin. Wala nang susunod na mangyayari na anuman. Because I won't let that happened. Okay sweetheart?"

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon