Chapter 35

8.9K 195 43
                                    



Not edited.

Beth POV...

"Hindi mo alam? Lagi nalang hindi mo alam! Hindi mo alam ang lahat! Could you ....please stop...stop..stop flirting around! Sinabihan na kita noon, binalaan na kita noon na kung gusto mong makipaglandian ay huwag sa harap ko! Wala akong pakialam kung makipaglandian ka sa iba basta huwag sa harapan ko!"


Pak!



Nasampal ko sya sa sobrang sakit ng mga sinabi nya sa akin. Napabaling ang mukha nya sa kaliwa sa lakas ng pagkasampal ko sa kanya. Kahit ang kamay ko na tumama sa mukha nya ay nakaramdam ng sakit, pero mas masakit ang mga salitang lumabas sa bibig nito. Parang mga punyal at tumarak sa kalamnan ko ang mga salitang binibitawan nito sa akin. Minsan na akong nakarinig ng mga ganitong salita mula sa kanya noon, akala ko doon na yun matatapos pero may karugtong pa pala. At akala ko namanhid na ang puso ko sa mga masasakit na mga paratang nya sa akin.

"Sumusobra ka na." Tanging saad ko.

Dahan-dahan syang lumingon sa akin, matatalim ang mga matang tumingin sa akin, nagtitimpi sa galit na anumang minuto ay sasabog na.

Dinakma nito ang braso ko. "Bakit? Masakit? Nasasaktan ka ba? Nasasaktan  ka dahil totoo?" Buong pait na pagkasabi niya.

"Alam mong hindi yan totoo. Alam mong hindi ko magagawa ang mga binibintang mo."

"Hindi totoo? Alin ang hindi totoo? Meron pa ba akong hindi nalalaman na bukod na sumama ka sa ibang lalaki habang sandaling wala ako?! Sandali lang akong nawala pero may lalaki ka na! Akala mo hindi  ko alam?! Akala mo hindi ko malalaman?!" Galit na saad nito sa akin.

Umiling ako sa aking narinig. Yun ba ang sinabi ng ina nito sa kanya? Na sumama ako sa ibang lalaki?

"H-hindi-i yan toto-oo."

"Hindi totoo?! Then tell me ano ang totoo!" Anito habang galit na nakatitig sa akin.

Tinitigan ko sya, kaya ko na bang sabihin sa kanya? Paniniwalaan nya kaya ako? Natatakot ako. Natatakot ako na hindi nito kayang paniwalaan at isantabi lamang ang sasabihin ko. Natatakot ako sa sasabihin nya. Kasi  sa tagal ng panahon na inihanda ko ang aking sarili para sa pagkakataong ito ay hindi pa rin ako handa sa maaring kahihinatnan nito. Hindi pa rin ako handa  marinig ang sasabihin nito pagkatapos kong magpaliwanag.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon