Chapter 33

9.3K 175 26
                                    


Not edited...

Walang kaming imikan habang binabagtas namin ang daan papunta sa bahay.
At kahit na nakarating kami sa bahay ay wala man lang sa amin ang nagsalita.

Tumigil ang kotse nito sa harap ng bahay namin. Pero wala man lang akong natandaang nabanggit ko sa kanya kung saan ako nakatira. Well I should have known, he's a billionaire, he had ways.

And since mukha wala na itong sasabihin ay binuksan ko na ang pinto ng kotse nito pero bago pa ako makalabas ay nagsalita ito. "I'll pick you up at five o'clock sharp tomorrow."

Tumango ako at saka tuluyang umalis. Pero bago ako tuluyang pumasok ay muli ko syang nilingon pero ang likod lamang ng kotse nito ako ang naabutan ng tingin ko.

Agad na sumalubong sa akin si mama nang makapasok ako. "Anak kamusta ka na?, bakit mo naman kasi kami pinigilan na dalawin ka sa hospital, edi sana naalagaan ka namin. Patingin nga ng braso mo." Bulaga na saad ni mama. Kinuha ni mama ang braso ko at sinipat sipat. Tiningnan nito kung may mga pantal pa ako, pati ang leeg ko ay sinipat nya rin.

"Ma okay lang ako, nakalabas na ako ng hospital kaya magaling na ako, at saka ma, ayoko ko nang pag aalahanin pa kayo, kaya okay na, wag ka nang mag-alala." Saad ko

"O sya sige magpahinga ka na muna sa kwarto mo at tatawagin nalang kita kapag kakain na." Sinunod ko naman ang sinabi ni mama.

Nang makahiga ako ay nagpahila na ako sa antok.

True to his words alas singko palang ng umaga ay dumating na si Clark sa bahay.

Nagulat nalang ako ng paglabas ko ng kwarto ay kausap nito si mama.

"Huwag mong pabayaan ang anak ko doon Clark,ha. "Narinig kong sabi ni Mama.

"Ma, mauna na po ako."Tawag ko kay mama. Baka kung ano pa ang masabi nito o maikwento nito kay Clark.

"O ayan na pala sya. Anak kumain kana muna bago umalis. Maaga pa naman." Saad ni mama at saka dumulog sa kusina.

"Huwag na mama, kailangan na naming umalis." Pigil ko kay mama. Ayaw ko na ako ang maging dahilan na mahuli kami sa aming byahe. Maagang dumating si Clark kaya dapat maaga rin kaming aalis.

"Naku ganun ba, pero kahit magkape ka lang Para maiinitan ang sikmura mo at saka mabuti pa itong si Clark ay nagkape na, pinakape ko na habang hinihintay ka." Sabi ni mama at saka bumaling kay Clark.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon