Chapter 8

10.1K 140 0
                                    

Beth PoV...

Hindi ko alam kung dinadaya lang ako ng pandinig ko, kaya tinanong ko siya ulit.

"Ang sabi kung talagang bang wala ka pang boyfriend? ".pero yun pa rin ang tanong niya. Alam kong simpleng tanong lang iyon pero ang tagal kong sumagot.

"W-wala pa, wala namang nagkagusto sa 'kin at saka pag aaral muna ang inisikaso ko. " saad ko nang nakatingin sa labas ng sasakyan.
Totoo namang wala eh, ni isa nga ay walang pang nagtangkang manligaw sa 'kin.

"Really?  I mean you 're beautiful and yet no one ever dared to court you? "Sabi niya. Parang ewan lang yung reaksyon. Parang nainsulto ako sa sinabi niya.

"Eh sa wala eh, wala na akong magagawa niyan, di ko naman pwedeng mamilit ng manliligaw o kaya magsabi nalang na 'huy kuya may girlfriend ka na ba kung wala eh pwede mo akong ligawan.' at baka talagang walang nagandahan sa 'kin dito kaya kahit isa ay wala. Marami kasing mas maganda dito. "

"hey get don 't get mad. What I 'm trying to say is that men in here are blind not to see how beatiful you are. They must have an eye defect not to appreciate you."

"No, I 'm no beautiful. Kaya nga walang manliligaw di ba. At saka alam ko naman sa sarili ko hindi talaga ako maganda." Sabi ko. Baka siya ang may diperensya sa mata at kung ano ano ang pinagsasabi niya. Kung gusto niya ay ipakilala ko siya sa mga kababaihan dito para malaman niya na totoo ang sinasabi ko.

"Hey do not belittle yourself. " sabi niya at saka tinabi sandali sa gilid ng kalsada ang kotse. Pinaharap niya ako sa kanya at tumingin siya sa akin at nagsalita. "Trust me when I say this. You are beautiful Beth, you really are, hindi ko to sasabihin kung hindi totoo. Di nila alam kung ano kaganda ang nasa harapan ko ngayon na balang araw ay pagsisihan nila na hindi ka nila napansin." Gusto kong magbaba ng tingin pero hindi ko magawa dahil pinigil niya ako, kaya ngayon ay titig na titig ako sa kanya.
"And I'm  thankful kasi wala akong magiging karibal and if there 's any hindi ko papayagang hindi ka mapasaakin."
Kumurap ako ng marinig ko ang sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin na wala siyang magiging karibal? Anong hindi siya papayag na hindi ako mapasakanya?  Ibig bang sabihin ay talagang maganda ako?, ibig bang sabihin na liligawan niya ako?  Jusko po!.

"A -ano a -ang ibig mong sabihin? ." Bigla siyang ngumiti, ngiti na kahit sinong babae ay talagang mapapakapit sa kung anuman ang pwedeng makapitan. Ito yung ngiti na tinatawag nilang killer smile. At talagang killer ang kanyang smile dahil hindi na ako halos gumagalaw sa kinauupuan ko. Jusko po! .

"Beth, I will court you. Payag ka man o hindi basta manliligaw ako sa 'yo at magsisimula ako sa oras na to." Sabi niya habang hawak pa rin ang mukha ko.

"Seryoso ka? " gulat kong tanong.

"I 'm very dead serious Beth, kaya hamanda ka."

"Teka, di kaya ay nabibigla ka lang, di kaya ay padulos dalos ka sa mga desisyon mo?  Ngayon lang tayo nagkakilala tapos liligawan mo na ako at saka hindi mo pa ako tuluyan kilala , baka nga mama-matay tao pala ako?  Madami ako gustong sabihin kaya biglang sunod sunod akong nagsalita.
"Ganyan ba sa States na kahit unang pagkikita pa lang ay may ligawan nang nangyayari? At saka tingnan mo nga ako, hindi ako kasing ganda na nakikilala mo states kaya bakit mo ako liligawan ha? " saad ko, pero sa nakikita kong reaksyon sa kanya ay parang natutuwa na ganito ang naging reaksyon ko. "Bakit parang kang natatawa, baka nantitrip ka lang, kapag ganyan ay wag mo nang ituloy. "Pagkatapos kong sabihin yun ay parang engot pa rin siyang nangingiti.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon