Chapter 26

9.6K 225 22
                                    

Not edited.

Sa ilang linggo kong pagtatrabaho kay Clark ay hindi ko man lang sya nakitang umaliwalas ang mukha niya, laging nakakunot ang kanyang noo, laging nagkasalubong ang kanyang mga kilay at maging ang gwapo niyang mukha ay laging nakabusangot. At laging mainit ang ulo.

Tulad lang noong naabutan ko sya sa opisina niya, nakataas ang boses sa taong kausap niya sa telepono.

"Wala pa ring resulta?! Do you really doing your job!?! Do it immediately I want the result next week,got it?!"

Masasabi kong galit sya sa kanyang kausap dahil sa parang gigil na gigil ito. Kung ako siguro ang kausap nito ay matatakot na ako dahil may halong pagbabanta ang boses nito.
Na para bang kapag hindi nito makuha ang gusto niya ay maghanda na dapat managot, na parang bang kailangan mo nang ihanda ang sarili mo sa magiging kahinatnan ng kapalaran mo kapag hindi masunod ang gusto niya.

At saka ang mga empleyado dito ay maiilap sa kanya. Ilag sila sa bagong nila boss, sino ba naman ang hindi dahil kung may makita lang ito kahit maliit na pagkakamali ay sermon na agad ang matatanggap mo.

At sa ilang taon kong pagtatrabaho bilang secretarya ni sir Reyes noon, ngayon ko lang nakita na maagang pumapasok ang mga katrabaho ko. Minsan nga ay may mas nauna pa sa akin na dumating.

He's strict and perfectionist, everything must be on his way, everything must be done on his way.

Dapat everything is perfect. Mula sa schedule hanggang sa mga meetings and reports. Everything must be complete and precise.
Kahit nga sa kape niya ay sobrang mapili niya, dahil kung dati-rati ang paborito niya at lagi kong tinimpla na may krema ngayon ay hindi na, mas gusto niya ang black coffee.

Kahit pala sa mga paborito niyang pagkain ay nag iba na rin.

At sa ilang linggong kong pagtatrabaho dito ay walang araw na hindi ako nakatanggap ng malamig na pakikitungo mula sa kanya at mga sermon mula sa maliliit na pagkakamali.

Minsan nga naiisip ko may mali ba talaga akong nagawa? O talagang pilit nya lang makakita  ng mali ko para may masabi siya sa akin na hindi ko kanyang gawin ang mga trabaho ko gaya ng pinaniniwalaan niya.

Mula ng magtrabaho ako sa kanya wala na akong marinig sa kanya kundi punain ang bawat galaw ko.

Pero kahit ganun ay hindi ako nakaramdam ng galit o kahit tampo man lang sa kanya, siguro dahil sa kadahilanang may mas malaking kasalanan akong nagawa .

Kahit ilang paninigaw ang ibigay niya sa akin ay tatanggapin ko, at kahit malamig pa sa yelo ang pakikitungo niya sa akin ay tatanggapin ko basta  makita at makasama ko lang sya.

Mula nang maghiwalay kami ipinagdasal ko na sana ay makita ko sya muli, kahit hindi pa ako handa na salubungin ang galit nya ay ipinapanalangin kong magkasalubong ang aming mga landas nang sa ganun ay mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na matagal ng gumugulo sa akin, mga tanong na naghihintay ng sagot mula ng umalis ng walang paalam.

Naghahanda ako ngayon para sa meeting na gaganapin sa opisina ng ka meeting ni Clark.
Inihanda ko ang mga gamit ko na dadalhin ko para sa meeting nang may tumawag sa akin.
Napatingin ako sa tumawag sa akin.

Si Lucas.

May bitbit itong folder at nakangiti habang lumalapit.

"Hi beth, kamusta?" Tanong nya ng makalapit.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon