Chapter 37

8K 150 12
                                    


Beth POV.



Kakatatapos ko lang ilagay ang ilang piraso ng mga notebook sa tamang lagayan nito. Isinunod ko naman ang ibang notebook. Isinalansan ko ito ng mabuti. Ipinaghiwalay ko ang mga plain na kulay na notebook sa may mga may designs tulad ng mga character sa television na pambata.

Isinalansan ko rin ang mga ibat-ibang sizes ng mga papel sa kani-kanilang lagayan. Ito na ang pinagkaka-abalahan ko mula nang may mangyari sa akin sa London. Nagtayo ako ng isang maliit na school supplies store malapit sa eskwelahan na pinapasukan nila Bea at Benjamin. Dito ko inilaan ang mga naiipon ko mula sa ilang taong pagtatrabaho ko sa kompanya ni sir Reyes. At dito ko rin ibinuhos ang atensyon ko para makalimutan ang nangyari sa London.
Lahat ng oras ko ay dito ko inalaan para maipatayo at mabuksan ang Bees store.

Dito ko iginugol ang lahat ng oras ko para maipatayo ito. With the help of Nick it was successfully open, he even offered to give me more capital to it but I refused dahil marami na syang naitulong. He even presented himself to be in- charged in giving a fliers and posting our shop in social medias.

He never left at my side after the incident in London. Sa kahit anong nangyari sa buhay ko lagi syang nadiyan para samahan lang ako.

Laging nga akong tinutukso ni Lyneth, ang katulong ko sa pagbabantay ng shop. Parang nga daw may relasyon kami, dahil araw-araw na dumadalaw ito sa shop pero ilang beses ko rin nilinaw sa kanya na simpleng magkaibigan lang kami.

Magkaibigan lang naman talaga kami. Kaibigan ang turing ko sa kanya, pero isang araw  biglang na lang nagsabi si Nick ng  nararamdaman niya para sa akin.




"Matagal ko na sanang sasabihin ito sa'yo Beth pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob."
He paused and breathed in for a while.


"I love you beth, I really do." Saad ni Nick habang titig na titig sya sa akin.

Hindi ako nakaimik sa nasaad niya. I never really think, even expected that he would feel something towards me.

He reached my hands and squeezed it. "Beth I don't know when it started but I know, I shouldn't feel this, but I can't really stop it. I tried, I tried to stop it so many times...I tried to stop it before it grows but its too hard...its too strong...to hide."

Ilang sandali pagkatapos sabihin ang pagtatapat niya ay wala pa rin akong maalipuhap na salita.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon