Chapter 28

9.8K 195 36
                                    

Not edited...

Nasilaw ako sa sinag na nakikita ko. Ilang beses akong kumurap para maadjust ko ang aking paningin sa aking paligid.

Inilibot ko ang aking tingin, lahat  ay kulay puti, puti ang kisame,puti ang dingding, at may mga taong nakaputi na nakapalibot sa akin.

Iisipin kong nasa langit ako kung hindi kong naramdaman ang pagkirot ng aking tyan at ng kaliwang kamay ko. Itinaas kong nasabing kamay para makita ito, may nakakabit palang I.V para sa fluid.
Ibig sabihin ay nasa hospital ako. Inilala ko kung bakit ako napunta rito. Sumakit ang sikmura ko, pinagpawisan ako ng malapot at para akong masusuka at higit sa lahat ay hinimatay ako.

Napabangon ako ng maalala ko iyon, pero agad rin akong humiga dahil pinigilan ako ng isa sa mga tao na nakatayo sa paligid ko,marahil ay nurse ito.

"Ma'am huwag po muna kayong maggagalaw."

Sinunod ko naman ang sinabi nya kaya muli akong humiga.

"110 over 80" narinig kong sabi ng isang nurse sa kasama nya. Hinayaan ko silang gawin ang kanilang trabaho. Muli kong inilibot ang aking tingin sa loob para tingnan kung may kasama ako. Pero wala akong nakita na pamilyar sa akin.

Sino ang nagdala sa akin dito?

Ang naalala ko lang ay si Clark na nakatayo at mainit ang ulo. Kung sya ang huling kong nakasama bago mangyari ang insidente ay malamang sya rin ang nagdala sa akin dito. Pero bakit wala sya dito.

Napabaling ako sa nurse nang magsalita ito. "Sige ma'am aalis na po kami, sasabihin namin ang doktor na gising na kayo, magpahinga na po kayo ma'am."

Tumango ako at nagpasalamat. Pero bago pa sila makalabas ay pinigilan ko ang isa sa kanila at tinanong. "Alam mo ba kung sino ang nagdala sa akin dito, asan na sya?"

"Pasensya na ma'am hindi ko po alam, wala po kayong bantay nang ilipat kayo dito sa kwarto nyo mula sa emergency room." Sabi ng nurse at saka binigyan ako ng isang ngiti.

"Ganun ba sige,salamat ha." Pagkatapos nun ay hinayaan ko syang umalis.

Nasaan na kaya sya. Umaasa ako na sya ang nagdala sa akin dito, wala naman kaming kasama ng mga oras na yun maliban sa aming dalawa. Hindi naman nya ako siguro papabayaang nakabulagta lang sa sahig, umaasa ako na kahit papaano ay nag alala sya sa akin dahil dinala nya ako dito.

Kaya nang mga sumunod na oras ay hinintay ko sya na pumasok dito sa loob para kamustahin ako.

Pero makalipas ang ilang oras ay naghintay lang pala ako sa wala. Walang Clark na dumating. Haay masakit talaga ang umasa.

Wala kahit anino nya. Masakit ang umasa. Masakit ang umasa mula sa katotohanan, mas mabuti pang umasa mula sa pantasya o sa imahinasyon lang dahil kahit papaano ay nabibigyang laya mo ang iyong kagustuhan, nabibigyang laya mo ang nais mong mangyari mula sa realidad, at higit sa lahat hindi kasing sakit ang iyong maramdaman kapag hindi nangyari ang nais mong mangyari kapag ikaw ay nabigo.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon