Chapter 42

8.3K 167 5
                                    

Beth PoV

Not edited...



Nakaupo kami ngayon sa private plane ni Clark papuntang Paris.

Sabi nito sa Paris na daw kami magbabakasyon para hindi ako makatakas.

May pagka-abnormal din itong si Clark, sino ba naman ang matinong tao na tatakas sa lugar na bago lang nito napuntahan?
Malamang hindi ako tatakas, wala naman kasi akong mapupuntahan kung sakali.
Parang pusang-ligaw naman ako kapag nagkaganoon.

At malakas ata ang tama nito, dahil pagkatapos namin magbangayan ay nilock nito ang pinto ng kwarto para talagang hindi ako makakatakas.

Magkatabi kaming nakaupo pero ang atensyon nito ay nasa laptop. Marahil trabaho naman ang inaatupag nito. Tama nga si Aling Esther, napakaworkaholic nito.

Gusto kong libangin ang sarili ko, pero papaano ako maglilibang kung wala man lang akong hawak na gadgets. Ang cellphone ko kasi ay kinakuha ng kumag na katabi ko.
Nang gabing nakarating kami sa resthouse nito, at nang hanapin ko sa bag ay wala na doon ang cellphone ko. Kahit binaliktad ko na ang lahat ng bulsa ng bag ko, ay wala talaga akong mahanap na phone ko. Nalaman ko lamang na sa kanya ang phone ko nang pinakita nya sa akin.
At nang kunin ko sa kanya ay ayaw nyang ibigay at itinago ito sa kung saan. Baka daw kasi tawagan ko si Nick at itatakas ako.
"Kapag kasama mo ako, wala kang ibang isipin kundi ako lang. Understood?"

"Clark akin na ang phone ko." Usal ko sa kanya.
Pero parang wala itong narinig kaya inulit ko ito.

"Clark akin na sabi ang cellphone ko."
Sa pagkakataong ito, ay humarap sya sa akin.

"I told you sweetheart, you can't have your phone when you're with me. Dapat nasa akin lang ang atensyon mo, understood sweetheart?" Sagot nito sa akin, sabay kurot ng chin.

Ito na naman ang mannerism nito, ang pagpipindot-pindot ng ilong at baba ko.

"Ilang oras ba ang biyahe natin? Kailangan ko ng mapaglibangan, kundi mababagot ako!"
Saad ko.

"Sweetheart, there's a mini TV in front of you. You can watch movie using that." Tinutukoy nito ang maliit na TV na nakadisplay sa kabilang bahagi ng eroplano. Pero hindi pa rin ako pumayag dahil kailangan ko ring kontakin sina mama, dahilan sigurado akong nag-aalala na ito.

"Clark I need my phone. I need to message sina mama sa kung nasaan ako."
Saad ko. Nakita kong itiniklop nito ang kanyang laptop at itinutok sa akin ang kanyang atensyon.

"Don't bother sweetheart, I already informed your mom. She knows that you're with me."
Nagulat ako sa sinabi nito. "Ano?! Eh anong sinabi ni mama? At anong sinabi mo sa kanya?"

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon