Chapter 50

5.6K 104 7
                                    



Not Edited.

Napahagulgol ako dahil alam kong nasasaktan sya sa katotohanan ngayon. Masyadong masakit malaman ang nagawa ko noon sa kanya. Kailangan kong mamili noon sa pagitan ng pagmamahal ko sa pamilya o pagmamahal ko sa kanya.

At nabigo ko siya dahil basta ko lang siya binitawan para maisalba ang pamilya ko.

"I-I'm sorry...I'm sorry...I'm sorry." Saad ko habang umiiyak sa harap niya.

Wala akong narinig sa mula kanya kaya iniangat ko ang aking mukha mula sa pagkakulong sa aking mga palad at ganun nalang ang pagsisi ko nang makitang kong napupuno ng poot ang kanyang mga mata.

"You're sorry?!" Nag-iigting ang mga panga nito sa galit.

"H-how could you! Mas masakit pa ito sa nalaman kong sumama ka sa ibang lalaki nang umalis ako dito!"

Ano ang ibig nitong sabihin?
Anong lalaki ang sinasabi nito?

"S-sinong l-lalaki? Anong ibig mong sabihin?"
Pilit kong isatinig ang kaguluhang ibinibintang ni Clark.

"Don't you remember?! Don't you dare deny it, because it was the reason why you killed my being! You left this town with your other man!"
Bawat salitang lumalabas sa bibig ay mas masahol pa sa pait ng ampalaya.

Napanganga ako sa aking narinig. Saan niya nakuha ang ganyang ideya? Walang katotohanan ang kanyang sinasabi!

Napailing ako nang napailing.
"Hindi, hindi totoo yan, Clark. Wala akong lalaki. Wala akong ibang lalaki. Wala akong minahal kundi ikaw lang."
Sabi ko habang nilalabanan ang iyak ko.

"Don't deny it. Then how can you explain ang mga pictures na nareceived ko noon!"

"Anong pictures? Wala akong alam sa mga pictures."

"Pictures mo at ng lalaki mo!"

"Maniwala ka, wala akong alam sa mga pictures, wala akong lalaki. Ikaw lang ang minahal ko at mahal ko ngayon. Maniwala ka." Saad ko sabay iling.

"Ang tanging pagkakamali ko lang ay tanggapin ang perang kinakailangan ko para mabuhay ang tatay kapalit ang layuan ka. Mahal kita pero kailangan kong mamili. Kailangan kong pakawalan ka para maisalba ang pamilya ko."
Nagpatuloy ako sa pag-iyak.
Pagkatapos nito hindi ko alam kung kami pa ba? Engaged pa ba kami? May kasalan pa bang magaganap?
Lahat ng ito ay wala ng kasiguraduhan.
"I'm sorry, Clark I'm so sorry."
Kahit malabo ang pangin dahil sa mga luha, naaninag ko pa rin ang galit sa kanyang mukha.
Unti-unti kong itinaas ang kamay ko para abutin ang mukha niya pero bago pa madampi ang palad ko sa kanyang mukha ay iniwas na niya ito.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon